PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pokwang: Lee O'Brian Never Defended Me

Pokwang: "Ni minsan kahit isang beses di ako pinagtanggol sa mga nanglalait."
by Arniel C. Serato
Published Mar 9, 2023
Pokwang reveals Lee O'Brian never defended her from bashers
Pokwang on ex-partner Lee O'Brian: "Ni minsan hindi ako pinaglaban ng lolo nyo pero ok lang kasi pinaglalaban ko naman sya sa lahat ng ayaw sa kanya."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Naglabas muli ng himutok si Pokwang tungkol sa ex-partner na si Lee O’Brian.

Never daw kasi siyang ipinagtanggol nito sa mga nanglalait sa kanya tuwing nagpu-post si Lee sa Instagram ng larawan nilang magkasama.

Kung anu-ano raw masasakit na salita at panunukso ang ibinabato ng bashers kay Pokwang, katulad ng “unggoy” at “chonggo,” at kung bakit daw siya nagustuhan ng American actor.

Ibinunyag ito ng TiktoClock host sa Instagram ngayong araw, March 9, 2023.

Nag-upload si Pokwang ng Instagram Reels kung saan makikitang kasama niya ang panganay na anak na si Mae Subong sa loob ng kanilang sasakyan habang tumatakbo.

Makikitang nagkakantahan ang mag-ina sa loob.

Caption ni Pokwang, “ma kwento ko lang, naalala ko madalas akong na bu bully sa IG nya ni alam nyo na….

“kapag nag po post sya ng picture namin dalawa madalas ako binu bully tinatawag akong unggoy, chonggo

“ano daw nagustuhan sakin marami daw magagandang pinay bakit ako daw haahahaa

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“ni minsan hindi ako pinaglaban ng lolo nyo pero ok lang kasi pinaglalaban ko naman sya sa lahat ng ayaw sa kanya

“ni minsan kahit isang beses di ako pinagtanggol sa mga nanglalait haaayyy ganon yata talaga pero atleast magaganda mga anak ko”

Nakakuha naman ng kakampi si Pokwang mula kina Sugar Mercado at Kakai Bautista.

Komento ni Sugar, “mamang maganda tayo kaya maganda mga anak natin sorry lang sila paano pa si LORD satin diba kaya tayo pinag pala dahil sa anak”

Heart emojis ang sagot ng komedyana kay Sugar.

Sugar Mercado, Kakai Bautista show support for Pokwang

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon naman kay Kakai, “HELLO MAGANDA KA MAMANG!!!!!!! MISERABLE yung mga TAONG NAGSASABE NA HINDEEEEE!!!!!! Labyuh!!! @itspokwang27

Sinagot din niya ng heart emojis.

Sugar Mercado, Kakai Bautista show support for Pokwang

Ilang araw at linggo nang binabanatan ni Pokwang ang ex-boyfriend matapos makumpirma ang kanilang hiwalayan noong July 2022.

Read: Pokwang breaks silence on breakup with Lee O'Brian

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

RELATED STORIES:

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pokwang on ex-partner Lee O'Brian: "Ni minsan hindi ako pinaglaban ng lolo nyo pero ok lang kasi pinaglalaban ko naman sya sa lahat ng ayaw sa kanya."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results