Kinatuwaan ng maraming netizens ang bagong post ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa Instagram ngayong araw, March 21, 2023.
Makikita rito ang kanyang fiancé na si Jeremy Jauncey habang nasa beach.
Kasalukuyang nasa bansang Seychelles ang dalawa para magbakasyon.
Caption ni Pia: “Another adventure with my love [heart emoji] My daily dose of Vitamin C…cos when I see you, oks na me [squinting face emoji]
"Kung may Vitamin D, mas happy [sun, laughing emojis] @jeremyjauncey”
View this post on Instagram
Iba ang dating ng “Vitamin D” sa ilang netizens. Kaya iba’t ibang opinion ang kinomento nila sa post ng beauty queen.



Isa sa kanila ang sinagot ni Pia.
Tanong ng netizen sa kanya: “HAHAHAHAHAHHA WHATS THE VITAMIN D, QUEEN P?”
Tugon ni Pia: “vitamin D na nakukuha sa sun exposure [sun emoji] kayo naman [laughing emoji]”

Nitong January 2023, kinaaliwan din ng maraming netizens ang isang Instagram post ni Pia.
Ibinahagi nito sa kanyang Instagram ang ilang kuhang litrato mula sa kanilang date ng fiancé na si Jeremy.
Sa unang picture, makikita ang kamay nina Pia at Jeremy na may hawak na baso ng beer.
Naka-pin pa sa location ng kanyang post ang The Fife Arms—isang five-star hotel sa United Kingdom.
Tila rito rin naka-check-in ang dalawa dahil kasama sa mga litrato na ipinost ni Pia ang kuwarto na kanilang tinutuluyan.
Bukod sa sweet nilang date, kapansin-pansin din ang witty at nakakatawang caption ni Pia.
Mababasa sa kanyang caption (published as is): "Some beer… Some haggis… Some haggisan sa bed… wait wait? [shocked emoji]
"Charot lang [face with tongue emoji]. Had the most epic start of the year at @thefifearms."
