Ipinagluluksa ng mga nagmamahal kay Andrei Sison ang kanyang pagkawala dahil sa car accident na nangyari sa Commonwealth, Quezon City, nitong Biyernes ng madaling-araw, March 24, 2023.
Siya ay 17.
Read: Sparkle artist Andrei Sison, 17, dies in car accident
Si Andrei ay contract star ng Sparkle, ang talent management arm ng GMA Network, at magsisimula pa lamang sana ang pag-usbong ng kanyang acting career.
Isinilang siya noong October 9, 2005.
May karapatan si Andrei na pumasok sa showbiz dahil mula siya sa pamilya ng mga artista.
Si Andrei ay apo ng seasoned balladeer na si Marco Sison.
Ang kanyang ama na si Alain Marco Salvador ay dating miyembro ng That’s Entertainment.

Young Alain with dad Alain Marco Salvador
Nagmula sa famous Salvador clan si Alain.
Ang ina ni Alain Marco ay si Tess Salvador, na kapatid nina Mina Aragon, Leroy Salvador, Chona Sandoval, Alona Alegre, Ross Rival, at Phillip Salvador.
Kamag-anak din ni Andrei si Jon Hernandez, ang aktor na binawian ng buhay noong November 7, 1993 dahil bumangga sa isang concrete obstruction sa NLEX ang sasakyan na minamaneho.
Anak si Jon ng veteran actress na si Alicia Alonzo kay Ross Rival.
Magkapatid sa ama sina Jon at Maja dahil si Ross ang ama ng 34-year-old actress.
May tatlong kapatid sa ama si Andrei kay Ana Marie Liza Lim, na nakarelasyon noon ni Alain.
Kapatid ni Ana Marie si Karla Estrada. Lumaki si Andrei sa piling ng actress-TV host na itinuring siyang tunay na pamangkin. Tunay na pinsan din ang trato sa kanya ng anak ni Karla na si Daniel Padilla.
Tiyo naman ni Andrei ang former actor-turned-director na si Ricky Rivero, na half-brother ng kanyang ama na si Alain Marco.
GONE TOO SOON
Sa pamamagitan ng Facebook post ay ipinahayag ni Ricky ang labis na pagdadalamhati dahil sa maagang pagpanaw ng kanyang pamangkin.
Mensahe niya: “Gone too soon. I love you my pamangkin Andrei Sison.”

Malapit sa pamilya ni Karla ang entertainment writer na si Dominic Rea kaya anak-anakan ang turing nito kay Andrei.
Tulad ni Karla at ng pamilya nito, hindi makapaniwala si Dominic na pumanaw na si Andrei.
Si Manny Valera ng DMV Entertainment ang manager ni Andrei. Sa kanya ipinagkatiwala ni Alain ang pamamahala sa career ng baguhang aktor.
Mensahe ng pamamaalam ni Manny: “Sad to hear from the father Marco Salvador that his son Andrei Sison died from a vehicular accident along Commonwealth Ave this morning at 3am.
“Soon to be launched as one of the newest batch of Sparkle talents of GMA 7 next month, Andrei has trained for many months in acting, singing, dancing and public speaking and so excited and so ready to be launched. Andrei has been my youngest talent of DMV Entertainment and was entrusted to me by his father.
“There were so many plans and dreams for Andrei and family and God only knows why this happened. Gone too soon at 17. We love you Andrei. We will miss you forever!"
Maligayang-maligaya si Andrei nang makapasa sa auditions ng Sparkle pero hindi na natupad ang pangarap niyang maging artista dahil sa malagim na aksidente na kumitil sa kanyang buhay.
Ilang oras bago namatay si Andrei, nag-upload pa ito sa TikTok account niya ng bagong video kaya matinding pagkabigla at pangungulila ang nararamdaman ngayon ng kanyang pamilya at mga kaibigan.
@andrei_sisonn ? Boy's a liar Pt. 2 - PinkPantheress & Ice Spice
Magsisimula ang viewing sa mga labi ni Andrei sa Loyola Memorial Chapels and Crematorium sa Commonwealth Avenue, Quezon City, mamayang gabi, March 24.