Napaluha raw ang komedyanang si Pokwang dahil sa hindi inaasahang gesture ng isang flight attendant.
Kasalukuyang nasa California si Pokwang para sa The BFF Show nila ni K Brosas.
Sa Twitter noong March 22, 2023, ikinuwento ni Pokwang na habang nasa flight siya papuntang California, nilapitan umano siya ng isang flight attendant.
Niyakap daw siya nito at binulungan ng words of encouragement.
Sabi pa niya sa kanyang post [published as is], “ma share ko lang, this madam FA from @flyPAL nilapitan ako sa aking upuan habang nasa kalagitnaan ng flight to SanFran niyakap ako at sinabing, laban lang mahal ka namin at naniniwala kami sa katatagan mo bilang ina, nanay din ako kaya ramdam kita, hay naiyak ako e (crying emoji) thank U po.”
Sumagot naman sa kanya ang nasabing airline. Suportado daw nila ang mga inang tulad niya.
Ayon sa tweet ng airline, “We care for you, Marietta! Mothers are our strongest protectors of the household, at natutuwa kaming nakapag-iwan ng magandang impression ang aming SFO crew.
"We are your home in the sky. Stay strong! (heart emoji)”
POKWANG'S HEARTBREAK
Nagpapagaling pa si Pokwang ngayon mula sa pait na sinapit ng kanilang hiwalayan ni Lee O’Brian.
Meron silang limang taong gulang na anak, si Malia O'Brian.
Halos dalawang taon nang hiwalay sina Pokwang at Lee, pero noon lamang July 2022 naisapubliko ito.
February 2022 nang ilantad ni Pokwang na may ibang babae na si Lee.
Mula noon ay makailang-beses pinatutsadahan ni Pokwang ang ex-partner sa sobrang sama ng loob sa breakup nila at sa kawalan nito ng pinansiyal na suporta sa kanilang anak.
Read: Pokwang breaks silence on breakup with Lee O'Brian
Noong March 5, 2023, sinabi ni Pokwang na hangga’t hindi nagsu-sorry si Lee sa kanyang mga anak na sina Mae Subong at Malia ay hindi niya ito patatahimikin.
Read: Pokwang not done yet with tirades against Lee O’Brian: "Wala syang katahimikan!"
POKWANG'S TIRADES AGAINST LEE
Bago pa nito, noong March 2, sinabi ni Pokwang na inaayos na niya ang mga legal na papeles para tanggalin ang apelyido ni Malia na "O'Brian" at isunod na ito sa kanyang surname na "Subong."
Isiniwalat pa ni Pokwang na bukod sa "batugan" si Lee, hindi raw nito gusto ang pagbubuntis niya noon sa kanilang anak.
Tinawag din niyang “user” ang ex-partner.
Read: Pokwang reveals she wants to change daughter's surname; calls ex-partner Lee O’Brian "user"
Sa mga nakapansin naman sa kanyang bagong glow ngayon, wala na raw kasi siyang pinapalamong “patabaing biik” sa kanyang bahay.
Read: Pokwang replies to "iba yong glow mo ngayon" comment: "Wala na akong patabaing biik."
Inamin din nito na hindi niya pinapayagan ang ex-partner na mabisita at mahiram ang anak nilang si Malia.
Read: Pokwang on visitation rights of ex-partner Lee O’Brian to their daughter: “Ayoko po, nope!”
