PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pokwang thanks bashers for encouraging her to strive harder

"Ang haters ay mga inggitero inggitera hahahaaha at lalo ko sila iinisin."
by Arniel C. Serato
Published Mar 27, 2023
Pokwang says bashers made her strong
Pokwang tells followers that she is still thankful to bashers: "Iniipon ko mga binabato nila gagawin kong tuntungan para maabot ko mga pangarap ko di lang para sa sarili ko kundi para sa mga anak ko kaya nagpapasalamat pa rin ako sa mga bashers na yan sa isang banda hahahaha."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

May oras si Pokwang na makipagtalamitan sa kanyang followers sa Instagram kahit abala ito sa kanyang concert sa Amerika.

Noong Sabado, March 25, 2025 nag-post ito ng throwback picture niya sa Instagram.

Kinopya lang niya ang caption nito dahil may nakalagay na “#cto” o "credit to owner" sa dulo.

Ang buong caption na nakasulat: “Apparently, they call you difficult when you set your boundaries and respect your self, but I think its a beautiful compliment, so keep difficult! You’re doing awesome[winking face emoji] #cto

Maraming followers ni Pokwang ang nagkomento rito at ang ilan ay sinagot ng Kapuso star.

Saad ng isa: “All I can say is hanga ako sayo sa tibay mo ano man ang ibato sayo. Keep slaying at mapapagod rin sila sa ka babato sayo.”

Tugon ni Pokwang: “dahil ang haters ay mga inggitero inggitera hahahaaha at lalo ko sila iinisin hahhaahhahaa”

Pokwang on bashers

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumagot muli ang nasabing netizen sa komento ni Pokwang.

Aniya, “exactly meron ka na wala sila, kaya ingit na ingit sila sayo.”

Tumugon din dito si Pokwang: “at sabi ko nga noon pa man, iniipon ko mga binabato nila gagawin kong tuntungan para maabot ko mga pangarap ko di lang para sa sarili ko kundi para sa mga anak ko kaya nagpapasalamat parin ako sa mga bashers nayan sa isang banda hahahaha”

Pokwang on bashers

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Biro naman ng isa pang follower: “Hugot pa more [okay hand sign emoji]”

Saad ng komedyana: “ganon talaga maraming hugot kasi maraming ginawang mali sakin e hahahaha”

Pokwang on bashers

Umaasa naman ang isang follower ni Pokwang na maayos na ang pakiramdam ni Pokwang matapos ang hiwalayan nila ng ex-boyfriend na si Lee O’Brian.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi ng follower, “I hope you doing well [heart emoji]”

Maiksing sagot ng komedyante, “@lavalleeteresita almost [heart emoji]”

Pokwang on bashers

POKWANG'S HEARTBREAK

Nagpapagaling pa si Pokwang ngayon mula sa pait na sinapit ng kanilang hiwalayan ni Lee.

Meron silang limang taong gulang na anak, si Malia O'Brian.

Halos dalawang taon nang hiwalay sina Pokwang at Lee, pero noon lamang July 2022 naisapubliko ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

February 2022 nang ilantad ni Pokwang na may ibang babae na si Lee.

Mula noon ay makailang-beses pinatutsadahan ni Pokwang ang ex-partner sa sobrang sama ng loob sa breakup nila at sa kawalan nito ng pinansiyal na suporta sa kanilang anak.

Read: Pokwang breaks silence on breakup with Lee O'Brian

Noong March 5, 2023, sinabi ni Pokwang na hangga’t hindi nagsu-sorry si Lee sa kanyang mga anak na sina Mae Subong at Malia ay hindi niya ito patatahimikin.

Read: Pokwang not done yet with tirades against Lee O’Brian: "Wala syang katahimikan!"

Bago pa nito, noong March 2, sinabi ni Pokwang na inaayos na niya ang mga legal na papeles para tanggalin ang apelyido ni Malia na "O'Brian" at isunod na ito sa kanyang surname na "Subong."

Isiniwalat pa ni Pokwang na bukod sa "batugan" si Lee, hindi raw nito gusto ang pagbubuntis niya noon sa kanilang anak.

Tinawag din niyang “user” ang ex-partner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Pokwang reveals she wants to change daughter's surname; calls ex-partner Lee O’Brian "user"

Sa mga nakapansin naman sa kanyang bagong glow ngayon, wala na raw kasi siyang pinapalamong “patabaing biik” sa kanyang bahay.

Read: Pokwang replies to "iba yong glow mo ngayon" comment: "Wala na akong patabaing biik."

Inamin din nito na hindi niya pinapayagan ang ex-partner na mabisita at mahiram ang anak nilang si Malia.

Read: Pokwang on visitation rights of ex-partner Lee O’Brian to their daughter: “Ayoko po, nope!”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pokwang tells followers that she is still thankful to bashers: "Iniipon ko mga binabato nila gagawin kong tuntungan para maabot ko mga pangarap ko di lang para sa sarili ko kundi para sa mga anak ko kaya nagpapasalamat pa rin ako sa mga bashers na yan sa isang banda hahahaha."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results