PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kaori Oinuma says "yes" to Jeremiah Lisbo's promposal

Kaori said yes to Jeremiah promposal!
by Khryzztine Joy Baylon
Published Mar 29, 2023
Kaori Oinuma says yes to Jeremiah Lisbo's promposal
Jeremiah Lisbo (right) on why he chose Kaori Oinuma (left) as his Star Magical Prom date: "Kaibigan ko siya at sobrang gaan namin sa isa't isa. Feeling ko kapag kasama ko siya, mae-enjoy lang namin yung prom together."
PHOTO/S: Rise Artist Studio Instagram

Isang matamis na "oo" ang nakuha ng Kapamilya young actor na si Jeremiah Lisbo nang alukin niyang maka-date ang kapwa niya ABS-CBN star na si Kaori Oinuma.

Dadalo silang dalawa nang magkasama sa Star Magical Prom na gaganapin sa March 30, 2023.

Idinaan ni Jeremiah sa prank ang kanyang promposal kay Kaori nang magkunwari itong may kailangan silang i-shoot na "whisper challenge" para sa isang brand na kanilang iniendorso.

Walang kamalay-malay ang dalaga na plinano ito ni Jeremiah upang matanong kung maaari ba siyang maka-date sa Star Magical Prom.

Read: Kaori Oinuma on changing screen partners: “Ine-enjoy ko siya.”

Nang tanungin si Jeremiah kung bakit si Kaori ang napili niyang date sa prom, ang naging sagot niya: "Kaibigan ko siya at sobrang gaan namin sa isa't isa.

"Feeling ko kapag kasama ko siya, mae-enjoy lang namin yung prom together."

Sa una, game na game at tuwang-tuwa pa si Kaori sa ipinapahula ni Jeremiah habang suot niya ang headphone, hanggang sa ipahula na sa kanya ng aktor ang "Will you be my prom date?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Agad naman itong nahulaan ni Kaori ngunit nagtaka siya kung parte pa ba iyon ng kanilang laro o totohanan ang tanong ni Jeremiah sa kanya.

Gulat niyang tanong: "Ha? Tanong ba yan? Tama naman, di ba? Tama ako, nahulaan ko."

Hanggang sa iabot na sa kanya ni Jeremiah ang bouquet of flower, na siyang nagpagulat sa dalaga.

Idinaan din ni Kaori sa ala-whisper challenge ang sagot niya sa tanong ni Jeremiah nang ipahula niya dito ang salitang "oo."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

KAORI'S FIRST PROM WITH JEREMIAH

Dahil sa pagkagulat at tuwa, halos maging emosyunal si Kaori nang sabihin na gustung-gusto niya talagang maranasan na makadalo sa prom.

"Oh my God! Hindi ko alam ire-react ko," ani Kaori.

Saad naman sa kanya ni Jeremiah, "Nabalitaan ko first prom mo ito, so sana [maging] worth it to with me."

Hirit pa ni Kaori: "Hala Miah [Jeremiah], bakit parang nababasa mo yung utak ko?

"Like, kasi last week, umiiyak na ako, kasi gusto kong mag-prom kasi never ko pa siyang na-experience sa buong buhay ko.

"Tapos ngayon may mag-aaya sa akin, hala Miah thank you."

Dagdag pa niya, "Gusto kong umiyak pero tears of joy.

"Kinakabahan ako. Masaya ako na kinakabahan, kasi nga hindi ako sanay sa surprises kasi alam ko na iiyak ako."

Segunda naman ni Jeremiah, "Ako mahilig ako sa surprises, talagang gusto ko hindi nahuhulaan, e, [kaya] for me, successful siya [prank]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa huli, sinabi ni Kaori na masaya at excited siyang makasama si Jeremiah sa Star Magical Prom.

Aniya, "Na-surprise ako, totoo naman.

"Kasi nga never pa akong nag-prom kaya super happy ako and excited sa prom kasama ang prom date ko [Jeremiah]."

Sina Kaori at Jeremiah ay huling nagtambal sa youth-oriented series na He's Into Her, kung saan nakasama nila sina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Read: Binge-watch DonBelle series and movies online

READ MORE:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jeremiah Lisbo (right) on why he chose Kaori Oinuma (left) as his Star Magical Prom date: "Kaibigan ko siya at sobrang gaan namin sa isa't isa. Feeling ko kapag kasama ko siya, mae-enjoy lang namin yung prom together."
PHOTO/S: Rise Artist Studio Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results