PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

The Write One cast and their roles

Which persona do you prefer?
by Nica Jose
Published Mar 30, 2023
The Write One main cast: Ruru Madrid, Bianca Umali, Mikee Quintos, and Paul Salas.
The Write One features real-life couples (from left to right) Ruru Madrid, Bianca Umali, Mikee Quintos, and Paul Salas.

Ang The Write One ang unang serye kung saan itinampok ang real-ife couples na sina Ruru Madrid and Bianca Umali.

Nandito rin ang isa pang real-life couple na sina Paul Salas at Mikee Quintos, na parehong nasa cast ng mga seryeng Mano Po Legacy: The Flower Sisters at The Lost Recipe, pero ito ang unang beses na sila mismo ang magkatambal.

Ang drama romance fantasy series na ito ay nagsimulang umere noong March 20, 2023.

Tungkol ito sa isang frustrated typewriter na nakahanap ng typewriter na may kakayahang baguhin ang kapalaran ng mga karakter sa kuwento.

Alin sa mga persona ang mas gusto mo? Mas happy kaya ang mga karakter sa alernate universe nila?

THE WRITE ONE: MAIN CAST

Ruru Madrid as william herrera

Also known as Liam, isa siyang aspiring writer na gustong magawa ang kanyang dream TV series.

Sa original timeline niya, hindi siya naging successful sa career. Dahil dito ay nakaramdam siya ng pagsisisi at pagdududa kung tama ba ang naging desisyon niyang iwanan ang kumpanya ng ama para sundin ang kagustuhan ng kanyang puso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya naman sa alternate universe ay patuloy siyang nagtrabaho sa construction company ng kanyang ama at naging isang successful engineer. Dahil dito, marami siyang natutulungang mga tao.

ruru madrid fast talk

Bianca Umali AS Joyce Trinidad-HerrerA

Si Joyce ay asawa ni Liam.

She gave up her budding showbiz career para alagaan ang kanyang pamilya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa alternate timeline naman ay naging successful siyang artista.

In fact, naging household name siya sa kanyang respective industry. Kilala naman siya rito bilang si Savana.

A photo of Bianca Umali.

Mikee Quintos AS Via dela Peña

Sa alternate universe, siya ang naging girlfriend ni Liam, at anak siya ng congressman sa kanilang lugar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mikee Quintos

Paul Salas AS HANS AREVALO

Si Paul ay isang lawyer na suitor ni Savana sa alternate universe.

So far, wala pa siyang masyadong appearance sa TV series, but he is playing a major role sa palabas na ito.

Paul Salas talks about trauman on past relationship

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

The Write One supporting cast

Lotlot de Leon

Nagbabalik naman sa limelight si Lotlot as Tess Buenaventura-Herrera, ang ina ni Liam at asawa ni Danilo.

Kahit noong bata pa si Liam ay naging supportive na si Tess sa mga gustong gawin ng anak niya.

Sa unang episode, nakita si Tess na nagpapayo kay Liam tungkol sa tunay na kahulugan ng pagmamahal.

Sa alternate universe ay buhay si Lotlot, taliwas sa original timeline na pinanggalingan ni Liam kung saan bata pa lang siya ay namayapa na ang karakter ng aktres.

Ramon Christopher

Kagaya ng dati, muling nakatambal ni Ramon si Lotlot bilang kanyang asawa sa katauhan ni Danilo Herrera, ang istriktong ama ni Liam.

Sa mga unang episodes ay makikitang pinangangaralan niya si Liam tungkol sa pagiging mabuting asawa kay Joyce at ama kay Dex.

Kaloy Tingcungco

Tila sidekick naman ang role ni Kaloy sa series na ito. Gaganap siya bilang si Borj, ang loyal na personal assistant ni Liam. In fact, he has been with Liam for more than six years and counting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Francis Mata

Si Nestor Bartolome ang gaganapan ni Francis Mata sa TV series na ito. Una siyang makikita sa eksena ng groundbreaking ceremony, kung saan nag-deliver ng speech si Liam, at umamba agad siyang tatagain ang binata.

Hindi pa malinaw kay Liam at the time kung bakit nag-uumapaw sa galit ang matanda sa kanya, pero desidido ang binatang alamin kung bakit ganoon na lamang ang kagustuhan nitong patayin siya.

Isa si Francis sa main reasons kaya nagkaroon ng turning point si Liam sa alternate universe.

Royce Cabrera

Si Royce naman ang gaganap bilang si Vergil Herrera, ang half brother ni Liam.

Based sa kanilang interactions in the previous episodes, siya ay anak ng legal wife ni Danilo, kaya ganoon na lamang ang kanyang inggit at pagkamuhi kay Liam, na successful sa kanyang career.

Euwenn Mikaell

Si Euwenn ang gaganap bilang si Dex, ang anak nina Liam at Joyce.

Naging biktima siya ng car accident sa original timeline kung saan nanggaling si Liam. So far, there are no signs of him being part of the alternate universe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Write One features real-life couples (from left to right) Ruru Madrid, Bianca Umali, Mikee Quintos, and Paul Salas.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results