Sakdal husay si Gladys Reyes bilang Nita Balagtas, ang nagdadalamhating asawa sa pelikulang Apag.
“Emotional ako sa upuan ko. Kasi po, sana napanood talaga ng tatay ko ito,” sambit ni Gladys matapos ang premiere screening ng Apag noong Marso 28, 2023, Martes ng gabi, sa The Block ng SM North EDSA, Quezon City.
“Dahil siyempre I’m sure tuwang-tuwa siya talaga!”
Read: Gladys Reyes reveals late father Sonyer Reyes was in coma in his last moments
First movie ni Gladys sa ilalim ng multi-awarded na si Direk Brillante Mendoza itong Apag na isa sa walong official entries ng 1st Summer MMFF (April 8-18, 2023).
Co-stars niya rito sina Coco Martin, Jaclyn Jose, Lito Lapid, Mercedes Cabral, Julio Diaz, Shaina Magdayao, Carlos Canlas, at Gina Pareño.
Pagtatapat ni Gladys, “Tawag ako nang tawag kay Ate Jane [Jaclyn Jose]. Kasi kami ni Ate Jaclyn, matagal na kaming nagkakatrabaho.
“Nine years [old] pa lang ako, Lovingly Yours…, nanay ko na siya. Ah ha! Ha! Ha! Ha! Ha! So sabi ko, ‘Ate Jane…’
“Kasi siyempre, siya yung matagal na pong katrabaho ni Direk Brillante. Pinanood ko uli lahat ng pelikula niya.
“Nasa van ako, first shooting day namin ng Apag, takot na takot din akong… kahit kilay, medyo mapakapal.
“Kung mapapansin ninyo, halos wala talaga akong make-up. Hinaggard ko talaga ang sarili ko dahil din sa role.
“Plus tama rin naman po, kamamatay lang ng papa ko noong October 2021 and then December, ginawa namin yun."

Lahad pa niya, “Nung sinasabi sa akin ni Direk Brillante sa text na, ‘May movie ako, bida ka,’ sabi niya. Parang hindi ako makapaniwala.
“Kasi si Direk ang nag-rebrand sa akin, ha? Dito sa pelikulang ito! Di ba, wala akong inapi dito?! Hindi ako kontrabida.
“Ibang-iba sa lahat ng nagawa ko, yung mga teleserye and some of my movies. At nakatrabaho pa, of course, si Ms. Jaclyn Jose, Kuya July [Julio Diaz], di ba?
“And Coco, thank you! Dahil tinanggap mo talaga ‘to! Ha! Ha! Ha! Buti hindi yung isa, ikaw ang natuloy! Ha! Ha! Ha! Ha!
“Hindi! Joke lang! Joke lang! Pero kasi po, dahil siyempre iba yung naging impact talaga, di ba?
“At gustung-gusto talaga ito ni Coco kaya nakakatuwa na mag-i-storycon kami at sinabing si Coco na ang gaganap.
“So, sobrang answered prayer po lahat ito kaya forever grateful to Direk Brillante for this opportunity.”
Sambot ni Jaclyn, “Di ba, revelation si Ms. Gladys Reyes sa pelikula? Yung nakakagulat na makita siya sa ganitong klase ng role.
“Dramatic role. At ang husay-husay niya. Sabi ko nga sa kanya, ihanda na niya ang gown!”
Si Aljur Abrenica ang first choice para gumanap bilang anak nina Jaclyn at Lito sa Apag. Nag-back out si Aljur ilang araw bago tumulak ang production pa-Pampanga.
Read: Brillante Mendoza considers Coco Martin replacing Aljur Abrenica in Apag a blessing in disguise
FIRST TIME WORKING WITH COCO MARTIN
First time din ni Gladys to work with Coco, at iba ang impact niyon sa kanya.
“Iba! Kasi I want to work with Coco siyempre. First time namin to work together. Pero wala man lang…” pagtatapat ni Gladys.
“First day namin, super-kuwento na agad ang ano namin. Walang ilangan. Kaya nga lagi kong sinasabi sa mga post ko, wow! One of the most humble men that I met, ano?
“Sabi ko, siguro yun ang common denominator talaga nila ni Direk Brillante, yung success nila, yung humility despite all the success na natamo nila sa career nila, sa buhay nila.
“Hindi ipaparamdam sa yo na, ‘O, si Coco na ako ngayon.’ ‘O, Direk Brillante ako!’ Hindi. Walang ganun! Kaya lalong nakaka-inspire.”
Inaasam ni Gladys na makatrabaho muli si Direk Brillante.
Hirit ni Gladys, “Kahit ilang beses pa na makatrabaho uli si Direk Brillante, I would love to work with him again and again and again!”

Sayang at magkaiba sila ng TV network ni Coco. “Puwede naman ako kahit saan! Sabi ko nga kay Coco, actually nami-miss ko nang magkontrabida! Puwede rin!” bulalas ni Gladys.
FROM DRAMA TO COMEDY
Hindi lang sa drama magaling si Gladys. Ang galing-galing din niya sa comedy!
Agaw-eksena siya sa Here Comes The Groom na entry rin sa 1st Summer MMFF.
Sa Parade of Stars sa Abril 2, Palm Sunday ng 4:00 p.m., sa Commonwealth Avenue, Quezon City, saang float siya sasakay?
“Iyon nga, ipinagpapaalam ko na kung puwede, pareho ko talagang masasakyan!” sabi ni Gladys sa mediacon matapos ang premiere screening ng Here Comes The Groom nitong Marso 29, Miyerkules ng gabi, sa SM Megamall.
“Pero mahirap din po ang Here Comes The Groom. Kasi comedy, yung timing, e, importante yung bitaw ng salita, tamang-tama, yung punchline.
“Kasi yung nagbitaw ka ng punchline, hindi natawa yung tao, di ba, big deal yun, e.
“Pero yung halimbawa umiiyak ka, hindi naman masyadong naiyak, ganyan… hindi masyadong ano. Pero yung nagpatawa ka, ay, hindi natawa… corny, di ba?!
“Kaya hindi ganun kadali ang comedy. Mahirap talaga. Kaya sobrang na-appreciate ko po yung mga works ni Direk Chris Martinez…
“God’s perfect timing po na parehong nakapasok sa Summer Metro Manila Film Fest ang Apag at Here Comes The Groom.”
BATANG HAMOG
Grabe yung eksena sa Here Comes The Groom kung saan nag-dialogue si Gladys patungkol kay Awra Briguela, “Bakit may batang hamog?”
“Hindi, ah! Sinusunod ko lang ang script! Nasa script yun!” pagmamatwid ni Gladys.
“Walang personalan yun, ah, ha, Awra?! Ha! Ha! Ha! Ha!”
Na-hurt ba si Awra?
Sweet na sweet na sagot ni Awra, “Mukha ba akong batang hamog ngayon?”
“Of course not!” mabilis na sabi ni Gladys.
Dagdag ni Awra, “Charot! Siyempre po, akting-akting lang. Saka ang saya po talaga namin sa set at ang dami ko pong ipo-post kung gaano kami kasaya sa set ni Ms. Gladys!”
Maliban kina Gladys at Awra, nasa cast ng Here Comes The Groom sina Enchong Dee, Kaladkaren, Maris Racal, Eugene Domingo, Miles Ocampo, Tony Labrusca, Xilhouete, Nico Antonio, Iyah Mina, Fino Herrera, at Kim Atienza.
