Hanggang ngayon ay halos hindi pa rin makapaniwala si Andrea Brillantes na napansin siya ng iniidolo niyang K-pop supergroup na BLACKPINK.
Ito'y matapos niyang yayain ang boyfriend na si Ricci Rivero na maging escort niya sa Star Magical Prom na gaganapin sa Bellevue Hotel, sa Alabang, ngayong Huwebes ng gabi, March 30, 2023.
Dumalo si Andrea at Ricci sa pangalawang araw ng Born Pink Manila concert sa Philippine Arena sa Bulacan noong March 26, kung saan dito naganap ang trending "promposal" ng Kapamilya actress.
Kahit maraming netizens ang bumabatikos kay Andrea, hindi nagpatinag ang aktres na ibahagi kung gaano siya kasaya sa nakuha niyang sagot sa nobyo, maging sa pagpansin sa kanya ng K-pop girl group.
Sa Instagram nitong Miyerkules, March 29, ipinost ni Andrea ang mga larawan nila ni Ricci na kuha sa BLACKPINK concert.
Kalakip din nito ang kuhang video kung saan binabasa ng grupo ang proposal placard na inihanda ni Andreaa.
Mababasa sa caption ni Andrea (published as is), "Thank you for saying YES, bebe [Ricci]!
"And thank you Lord dahil napansin ng Blackpink ang promposal ko."
Itinuturing din ni Andrea na "best 2-3 minutes" ng kanyang buhay ang eksenang basahin ng BLACKPINK ang promposal placard niya at ang pagsagot ng matamis na "yes" ng nobyo.
Aniya, "Para talaga akong nanalo sa lotto."
THE TRENDING PROMPOSAL
Naging usap-usapan sa social media ang ginawang promposal ni Andrea kay Ricci.
Bukod kasi sa pagpa-fangirl, kinuha na ring oportunidad ni Andrea ang Born Pink concert para tanungin ang kanyang nobyo kung pwede ba niya itong maging escort sa Star Magical Prom sa pamamagitan ng isang promposal placard.
Napukaw naman ni Andrea ang atensiyon ng BLACKPINK, dahil bukod sa Ingles ay mayroon ding placard ang aktres na nakasulat sa Korean.
Binasa nina Rosé at Lisa ang nakasulat dito: “I just wanna ask Ricci Rivero, will you go to prom with Andrea?”
Itinanong din ng grupo kung nasaan ang boyfriend ni Andrea.
Nang lumantad si Ricci, sabi ni Rosé sa kanya, “Please go to prom with that girl.”
Todo naman ang ngiti ni Ricci na sumagot ng “Yes!”
Read: BLACKPINK helps Andrea Brillantes with her "promposal" to Ricci Rivero
NETIZENS REACTION
Halo-halo ang naging reaksiyon ng netizens.
May ilang natuwa ngunit mayroon din namang hinusgahan si Andrea dahil sa pag-first move daw nitong magyaya ng date sa prom.
Komento ng isang basher: “Baliktad na pla ngayon panahon. Babae na nagyaya [lauging emoji]”
Hindi naman nakatiis si Andrea na sagutin ito at ipaliwanang kung bakit siya ang nagyaya sa nobyo.
Ito ay dahil si Andrea ang artist ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, hindi si Ricci.
Paliwanag niya, “It’s for #StarMagicalProm so yes, ako po talaga dapat dahil ako po yung artist ng Star Magic [smiling emoji]"
Dagdag pa ng Kapamilya star, panahon na rin upang ihinto ang pamamahiya sa mga babaeng gumagawa ng first move sa lahat ng bagay, gaya nga ng promposal.
Sabi ni Andrea: “Also, it’s high time we stop shaming girls for making the first move even on other instances [raising both hands in celebration emoji]”
RICCI DEFENDS ANDREA
Dinepensahan din ni Ricci ang kanyang nobya sa bashers na bumabatikos dito.
Sa eksklusibong panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) kay Ricci noong March 27, sinabi niya na maging siya ay nasorpresa sa ginawa ni Andrea.
Lahad niya, “Actually, wala akong idea sa plano niya. Ipinakita niya sa akin yung isang banner.
"Wala naman akong idea sa writing ng Korean so hindi ko alam at hindi ko rin naintindihan.
"Kaya nung tinatanong ako, hindi ko agad alam ang sasabihin ko kasi hindi ko naiintindihan, e.
“Sinasabi ko lang kay Blythe [palayaw ni Andrea], ‘Ano ba ang sinasabi mo? Hindi ko maintindihan.’
“So, nung binasa nila [BLACKPINK], makikita sa ibang pictures na gulat na gulat ako nang iangat na yung English tarpaulin.
“Dun ko pa lang nabasa, silhouette lang ng letters, dun lang ako nag-try na magbasa. So, sabay lang kami ni Rosé na nagbasa."
Ayon pa kay Ricci, hindi na kasalanan ni Andrea na mapansin siya ng grupo dahil isa rin naman daw iyon sa mga dahilan kung bakit sila nagpunta sa concert.
Sabi ni Ricci sa PEP.ph: “Pare-pareho lang kaming fans na nagpunta doon kagabi kaya nga sila nag-attend to see their idols perform.
“Lahat naman, feel ko, gustong magpapansin sa mga idol nila. E, ganoon din naman ako kung may idol ako.
“Kung ano yung ginawa ni Blythe, ganoon din ang ginawa ng iba.
“Malaking bagay para sa fans ang mapansin ng idol nila, so that's exactly what Blythe did. Nag-try siya, e, napansin siya ng idol niya.
"So, I am really happy for her na naging successful ang plano niya."
ANDREA'S SISTER DEFENDS STAR MAGIC STAR
Maging ang nakatatandang kapatid ni Andrea na si Kayla Aan Gorostiza, ay binuweltahan ang bashers na pumupuna sa aktres.
May isang netizen din kasing tinawag na "papansin" si Andrea na siyang nagpagalit kay Kayla.
Mensahe ni Kayla sa basher (published as is), "Yes, yun naman talaga point. Fan talaga ang kapatid ko, masama ba kung nag try siya mag papansin sa idols niya?
"Aminin na natin, lahat tayo gusto nating mapansin ng BLACKPINK, ok??? Umaga palang nasa arena na siya para pumila JUST LIKE EVERYONE ELSE.
"Nagpa print siya ng 6 na banners (both in korean & in English) to do a promposal for her VERY FIRST PROM.
"Nagtiis siya sa init, tumayo nang ilang oras, sure din ako nagtiis siya wag umihi.
"She exerted as much effort as everyone else."
Read: Andrea Brillantes's sister defends ABS-CBN star's promposal to Ricci Rivero during BLACKPINK concert
Dagdag pa ni Kayla, hindi porket artista si Andrea ay wala na itong karapatang mag-fangirl sa mga iniidolo niyang K-pop star.
Saad niya, "Artista siya yes, pero hindi ibig sabihin non eh bawal na siyang umasta na parang normal na tao.
"If 'normal fan' yan, y'all would saying 'cute.'
"Gusto niya lang maging super special ng FIRST PROM NIYA. LET HER BE."
Read: BLACKPINK concert serves as bonding time for besties, moms and daughters
