Itinanggi ni AJ Raval na siya ang tinutukoy sa blind item ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong February 8, 2023 tungkol sa isang "marilag na aktres" na naputukan ng implant matapos itong masubsob.
Ito ang sagot ng sexy star magkomento ang netizen sa larawan ni AJ na hawak-hawak ang dalawang silicone implants na ipinatanggal mula sa kanyang suso noong March 30, 2023.
Read: AJ Raval finally had her breast implants removed
Ayon sa netizen, ang buong akala niya talaga ay si AJ ang tinutukoy sa naturang blind item.
Bahagi ng nakasaad sa blind item ng PEP Troika: “Dinibdib talaga ng baguhang aktres ang pag-iingat sa kanyang ilong. Ang ending… ayun, iyong suso niya ang nasubsob! Pumutok ang implant sa kanyang boobey!
“May tumagas!!! Kaya tigil-trabaho muna si baguhang artista upang ayusin ang naaksidenteng boobey.”
Read: Marilag na artista, pumutok ang breast implant matapos aksidenteng nasubsob
Komento ng netizen kalakip ang screen shot ng blind item: “Hndi pala sya un waaaaaaahhhh. Dko mabura pic sorna agad wahhahahahah Aakuin ko n sana ung pumutok kso wla ako dede hahaha”
Sumagot dito ang Vivamax star na si AJ.
Aniya: “hoyyy hindi ako yan!!! hahahahhahaa [lauging emoji]”

Samantala, viral naman sa TikTok ang bagong post na video ni AJ kahapon, April 2, ilang araw matapos siyang magpatanggal ng breast implants.
Anim na segundo lang ang kanyang post na video, na walang caption, kung saan ipinakita niya ang iba’t ibang anggulo ng kanyang katawan.
Mapapansin ditong hindi na kalakihan ang kanyang hinaharap.
Umabot na ang views nito sa 4.6 million ngayong araw, April 3.
@ajravsss ? original sound - esa
Matatandaang noong December 2021, inamin ni AJ na may nagmungkahi sa kanyang magpadagdag ng boobs kaya sumailalim siya sa operasyon noong 2020.
Nangibabaw raw sa kanya ang excitement kaya ginawa niya ang pagpapadagdag ng suso.
Naisip daw niyang ipatanggal ito noong 2022, pero ngayon 2023 na ito natupad.
Read: AJ Raval, umaming nagpadagdag ng boobs; balak ipatanggal sa 2022
