PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sunshine Cruz vs Bali-bound netizen |

Sunshine Cruz: "Hinayaan mo pang i-bash at guluhin kami ng mga tao."
by Arniel C. Serato
Published Apr 4, 2023
Sunshine Cruz hits netizen for blind item post about celebrity family causing other passengers bumped from their seats
Actress Sunshine Cruz and her group, who are vacationing now in Bali, Indonesia, were bashed for the wrong reasons.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Hindi nakatiis si Sunshine Cruz na buweltahan ang netizen na nagpakalat sa social media ng tila blind item kung saan ang grupo ng aktres ang napagdiskitahan ng netizens.

Sa Facebook ngayong Martes ng gabi, April 4, 2023, naglabas ng kanyang saloobin si Sunshine ukol sa deleted post na ng nasabing netizen.

Napagbalingan daw kasi sila ng bashing sa maling dahilan.

Kasalukuyang nasa Bali, Indonesia, si Sunshine kasama ang tatlong anak na sina Sam, Angelina, at Chesca para magbakasyon.

Kabilang din sa kanilang bakasyon sina Ruffa Gutierrez at mga anak, Raymond Gutierrez, Bubbles Paraiso, at iba pang mga kaibigan.

Ngunit nabalahaw umano ang dapat sana'y masaya nilang bakasyon dahil sa post ng isang netizen na wala naman silang “kaalam-alam at kasalanan.”

Ang masakit pa rito, ayon kay Sunshine, hinayaan ng netizen na ma-bash ang grupo nila bago nito burahin ang kanyang post.

Sabi ni Sunshine sa kanyang unang post: "Not us! Booked and paid since first week of March."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makalipas ang ilang oras ay dinagdagan ng aktres ang kanyang post upang pagsabihan ang netizen na nagpakalat ng maling impormasyon.

Aniya: “My family and friends have tickets to Bali at nakasakay ka din naman pala girl. Hinayaan mo pang i-bash at guluhin kami ng mga tao sa insidente na wala kaming kaalam-alam at kasalanan.

“Ngayong lumaki ang issue deleted na ang post mo girl?!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-ugat ang isyu dahil sa pagra-rant ng isang netizen sa social media dahil "na-bumped off" sila ng kanyang mga kasama dahil ibinigay umano ng airline company ang kanilang seats sa isang "CELEBRITY FAMILY."

Hindi rin daw siya basta-basta maa-appease ng free ticket na inalok ng airline company dahil sa pangyayari.

Ano raw ba ang karapatan ng airline upang i-bump off sila nang walang pasabi dahil lamang sa “family of celebrities are on the same flight??????”

Halos isang oras umano siya sa counter ngunit wala raw nakipag-usap sa kanya mula sa airline company.

Himutok pa ng netizen: “From what I heard – one of these celebs bought an economy ticket and didn’t want to get seated all the way back or at the exit row…so PAL Supervisor decided to upgrade him. WOW.”

Pinaliwanagan naman siya ng isang opisyal ng PAL na hindi kasama sa kanilang polisiya na i-bump off ang ilang pasahero para sa “high-profile travelers."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bahagi ng paliwanag ang PAL official: “We want to emphasize that our policy and practice do not involve bumping off passengers to make room for high-profile travelers.”

Read: Sunshine Cruz denies she, celebrity friends caused other Bali-bound passengers bumped from business class

Sa huli, lumalabas na hindi naman pala na-bump off ang nagrereklamong netizen sa kanilang original business class seats at natuloy rin ang kanilang biyahe sa kung ano ang nakasaad sa kanilang tickets.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Sunshine Cruz and her group, who are vacationing now in Bali, Indonesia, were bashed for the wrong reasons.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results