PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Prusisyon at pabasa tuwing Semana Santa

Nagbago man ang panahon, nananatili ang mga tradisyon.
by Chan-Chan Torres
Published Apr 6, 2023
Nazareno images and procession
Ang pabasa (left) at ang prusisyon ng mga imahe ng Nazareno tuwing Mahal na Araw ay kabilang sa tradisyon at kaugalian ng mga Pilipino tuwing Semana Santa.
PHOTO/S: Bill Kratzer, Janiz Navida, Femmy Lee Magbanua

Likas na sa maraming Pilipino ang pagiging madasalin at ang pagkakaroon ng matibay na pananalig sa Diyos.

Marahil dala ito ng impluwensiya ng mga kastila na silang nagpakilala ng Kristiyanismo 500 taong na ang nakaraan.

Dito nag-umpisa ang iba-ibang mga paniniwala at paraan ng pagsamba, lalo na pagsapit ng Semana Santa.

Sa Pilipinas, makulay ana selebrasyon ng simbahang Katolika mula sa Linggo ng Palaspas hanggang sa Araw ng Pagkabuhay ni Hesus.

Nagbago na ang panahon, pero nariyan pa rin ang mga nakaugaliang tradisyon ng mga Pinoy para sa kanilang pagninilay at paggunita sa naging paghihirap ni Hesu Kristo.

HOLY WEEK PANATA

Sinubok tayo ng COVID-19.

Dalawang taon ding walang mga prusisyon, padasal, pabasa at salubong, pero hindi nagbago ang pananalig ng tao.

Ngayong taon, inaasahang bubuhos muli ang mga deboto sa pagpunta sa simbahan, pakikibahagi sa prusisyon, pag-awit ng pabasa, via krusis at Visita Iglesia, hanggang sa seremonyang pagsalubong kay Hesus sa Araw ng Pagkabuhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-interbyu ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng ilang deboto tungkol nakaugalian nilang panata tuwing Semana Santa.

READ Ruben Enaje, huling beses na magpapapako sa krus ngayong Semana Santa matapos ang 34 years

Tinanong ng PEP.ph kung kailan sila nagsimula ang kani-kanilang panata para sa Semana Santa.

Bill Kratzer

Si Bill Kratzer ay isang Pinoy na nakatira sa Seattle, Washington, USA.

Dating siyang barangay captain sa Valladolid, Negros Occidental.

Aniya, ang buong pamilya nila, lalo na ang kanyang ina, ay talagang nagpa-participate sa Semana Santa activities, gaya ng prusisyon.

“My family was convinced by a good priest, Rev. Fr. Romullo Biangco, of IFI in Valladolid, Negros Occidental, way back in 2016.

“And from then on, we started preparing for it, the Poon, Carozza, and accessories. Then came Holy Week of 2017, we had the first prusisyon of our karo, and gave it a name, ‘Jesus Carrying His Cross.’”

Paano napasa-kanila ang imahe ng Poon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“The head and hands of the Poon were originally made by a local sculptor from Valladolid. Then it was refined and repainted by a popular Encarna-maker in Manila.

“The Cross, the lights, and its accessories were made by Bacolod artist, Jojo Vito.”

Nazareno image

Maraming magagandang nangyari sa buhay ni Bill simula nang gawin niya itong tradisyon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi niya, “Since we started the panata of the yearly procession, there are accounts that I would say my wishes were granted.

“One of which, is granting me a wish that I’ve been praying for in my lifetime. At 37 years old, it was finally granted.

" Also, in addition to the blessing was winning the Barangay Election in 2016 by three votes.”

Janiz Navida

Si Janiz Navida, 42 anyos, ay hindi estranghero sa mga taga-showbiz. Siya ay taga-Quezon City at tabloid editor ng Bulgar.

Aniya, mula nung bata pa siya, nakagisnan na niya ang taunang pabasa ng kanilang pamilya sa tuwing sasapit ang Semana Santa.

Aniya, “1965 daw sabi ng tita ko. A few days ahead ng Biernes Dolores. Actually, Friday bago mag-Holy Week.”

“Sa Miguelin St., Sampaloc Manila daw sila nagsimulang magpabasa.”

READ A priest's message for Semana Santa: "Our present situation is not our final destination. The best is yet to come."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

pabasa

Si Janiz Navida (2nd from right) kasama ang mga kamag-anak para sa taunang pabasa ngayong Semana Santa

Ano ang naidulot ng pamamanata sa buhay niya?

“Ang malaking bagay na nagawa ng pagkamulat ko sa pagsali sa taunang pabasa ay mas naging malapit ako sa Panginoon.

“Dahil mas naunawaan ko ang laman ng Bible na mahirap basahin kung babasahin mo lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Unlike sa pabasa, mas naiintindihan mo ang meaning ng naging buhay ni Kristo."

May mga turo rin dito na naia-apply niya sa buhay.

“And then ang dami kong natutunang values, like humility, patience, tolerance, kindness, generosity, compassion and sacrifice.

“Pag nagbabasa kasi ng pasyon, isinasapuso at isinasabuhay mo.

"Nararamdaman mo rin yung mga naging paghihirap ni Kristo at dun mo mari-realize na nakakahiya namang maging masamang tao.

“Kung Siya nga, ang dami Niyang pinagdaanang hirap para matubos ka sa kasalanan mo.”

Sa Quezon City, Maynila, o Bataan daw nila madalas ginagawa ang pabasa.

“Minsan kasi, dahil sa kaabalahan natin sa trabaho, sa mga bagay na nagpapasaya sa atin, sa love life—nakakalimutan na natin ang pinanggalingan natin.

"‘Yung pahalagahan ang mga simpleng bagay na mas nagpapasaya sa atin.

"Minsan dahil sa pera, nakakalimutan nating magpakatao.

"Kaya pag nagpapabasa kami, dun parang bumabalik sa akin ang lahat. Ipinapaalala na hindi tayo dapat magmalaki kung ano ang meron tayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi mas malaki ang isinakripisyo ni Lord para sa atin.”

Femmy Lee Magbanua

Si Femmy Lee Magbanua, 50, ay manager sa Merzci Pasalubong PR and Events, at taga-Bacolod City.

Ang kanilang buong pamilya ay namamanata tuwing Semana Santa. Aktibo sila sa pagsali sa prusisyon sa Our Lady of the Candles Church, Bacolod City.

Iba-ibang imahe ng mga santo ang isinasali nina Femmy sa prusisyon. Ilan sa mga ito ay ang Nazareno (Agony in the Garden), Santo Entierro, at Mother Dolorosa.

READ: Imahe ng Santo Entierro na dala ng pari, inakalang salvage victim ng mga pulis

Saan nagsimula ang tradisyong ito sa pamilya?

Ani Femmy, ”Sa side ng husband ko, tradition na. Ang Poong Nazareno, binigay ni Sister Eppie sa mother-in-law ko [Ms. Zuki Magbanua], a long time ago. More than two decades na.”

Ito rin daw aniya ang dahilan kung bakit tuwing Semana Santa, hindi sila nakakapagbakasyon.

“Since then, it has been practiced na, tradition na ng family. Kaya hindi na rin kami nakakapagbakasyon dahil tuwing Good Friday, pinu-prusisyon si Poong Nazareno.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

prusisyon

Nakaugalian na ng pamilya ni Femmy Lee Magbanua (encircled) ang pag-o-organisa ng prusisyon tuwing Semana Santa, tulad nitong family picture noong 2011.

Ayon kay Femmy, mabusisi ang paghahanda sa ganitong kapistahan.

“A month before Holy Week, pini-prepare na yung karo. From tires, electrical wiring, at sa pagpapintura. Pinapatahian din namin ng damit ang Poong Nazareno.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pag Good Friday, may mga regular o mainstays na kaming mga boys to help us."

Sabi pa niya, "Ngayon, may mga edad na rin sila. Pero pumupunta pa rin sila sa bahay namin to help prepare snacks before the procession. Then we’ll have dinner after.”

Bilang may edad na rin daw ang kanyang mom-in-law, siya na rin ang nangangasiwa sa lahat, maging sa pag-prepare ng dinner.

Ano ang naidulot ng panatang ito sa buhay nila?

“Once na all dressed up na ang Poong Nazareno, may wini-whisper ako sa kanya (secret). At nararamdaman ko na safe kami and in good health ng family ko.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang pabasa (left) at ang prusisyon ng mga imahe ng Nazareno tuwing Mahal na Araw ay kabilang sa tradisyon at kaugalian ng mga Pilipino tuwing Semana Santa.
PHOTO/S: Bill Kratzer, Janiz Navida, Femmy Lee Magbanua
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results