PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Eunice Lagusad Honored by GMA-7

Her advice to newbies: "Dapat makapal ang mukha mo lagi."
by Rommel Gonzales
Published Apr 8, 2023
Eunice Lagusad
Eunice Lagusad plays Nurse Karen in GMA-7 series Abot Kamay na Pangarap.
PHOTO/S: Rommel Gonzales

Kahit na madalas napapanood sa GMA-7 si Eunice Lagusad, nilinaw ng aktres na isa siyang freelancer ngayon.

Simula pa noong 2016 ay wala siyang existing contract sa Kapuso network, at hindi rin siya kabilang sa mga stars under Sparkle, ang talent-management arm ng GMA.

Ganunpaman, napapanood si Eunice ngayon sa Abot Kamay na Pangarap, na pinagbibidahan nina Jillian Ward at Carmina Villarroel.

Bukod sa mataas ang ratings ng teleserye ay pumalo na sa mahigit tatlong bilyon ang kabuuang views ng videos nito sa tatlong social media platforms—YouTube, Facebook, at pati na rin sa TikTok.

Kaya naman para kay Eunice, "it's an honor" na mapabilang sa cast ng show.

Sabi ng aktres sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Kasi siyempre marami pong… parang kami ngayon po yung sumunod sa Maria Clara At Ibarra, na mataas po na show.

“And knowing na panghapon po kami, sobrang thankful din po na napasama po ako doon, at maganda po yung role na napunta sa akin, which is si Nurse Karen.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kumusta naman katrabaho si Jillian na palaging ka-eksena ni Eunice?

“Masaya po kasi she’s my friend din po in real life naman. So wala pong pressure pag nagtatrabaho po kami pareho, parang naglalaro lang kami sa set.”

Isa si Eunice sa mga naimbitahang um-attend sa magarbong debut party ni Jillian noong February 25, 2023, sa Cove sa Okada Manila.

READ: Celebrities spotted at Jillian Ward's galaxy-themed 18th birthday party

NEW MOVIE

Samantala, mapapanood rin si Eunice sa upcoming film na Home I Found In You, na produced by Rems Films.

“Ako po dito si Ann-ann na bestfriend po ni Selene played by Jhassy Busran,” umpisang kuwento ni Eunice.

Ang Home I Found In You ay sa direksiyon at panunulat ni Gabby Ramos, na siya raw mismong kumuha kay Eunice para maging parte ng cast ng pelikula.

Ang natatawang kuwento ni Eunice, “Dumirekta po siya sa akin, tumawag po siya sa akin directly, hindi ko rin po alam kung paano niya nakuha yung number ko."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kasama ni Eunice sa pelikula sina Jhassy at John Heindrick, na mas kilala bilang JhasDrik, ang love team na bida sa online series na ROOMMATE, na available for streaming nang libre sa official Facebook page ni Gabby Ramos.

Kumusta namang katrabaho si Jhassy na laging ka-eksena ni Eunice sa pelikula?

“So far okay naman po, she’s like a little sister kasi mas matanda po ako sa kanya. Pero hindi rin naman nagkakalayo yung mga hilig namin, kaya hindi po kami nahirapang mag-shooting na naka-lock in.”

Unang sumikat si Eunice noong 2006, nang gumanap siya bilang si Charming sa Bakekang. Pero halos dalawang dekada na siyang nasa showbiz.

Bilang dumaan din siya sa pagiging newcomer, ano ang maipapayo niya sa mga baguhang aktres gaya ng co-star niyang si Jhassy?

“Maipapayo ko po? Siguro kung magpapaka-real talk po ako, dapat makapal ang mukha mo lagi,” at natawa si Eunice.

“Pagdating sa showbiz, hindi ka dapat madaling sumuko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Dapat laban ka lang nang laban kasi sa mundo ng showbiz, alam naman natin na hindi madali. Marami’t marami kang makakalaban.

“Marami’t marami kang magiging haters so dapat matibay ang loob mo,” ang pagtatapos pang sinabi ni Eunice.

Kasama rin sa cast ng Home I Found In You sina Harvey Almoneda bilang si Aldrin, Diego Llorico bilang si Mama Rona, Orlando Sol bilang si Arnold, at ang award-winning veteran actor na si Soliman Cruz bilang si Mario.

Nakapanayam ng PEP.ph si Eunice sa premiere ng Home I Found In You sa Cinema 1 ng Trinoma Mall nitong March 25, 2023.

Ang huling pelikula kung saan kasama si Eunice ay ang Black Lipstick, na pinagbidahan ni Kyline Alcantra noong 2019.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eunice Lagusad plays Nurse Karen in GMA-7 series Abot Kamay na Pangarap.
PHOTO/S: Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results