Kinumpirma ni Bianca Lapus na malapit ang loob niya sa misis ni Vhong Navarro na si Tanya Bautista.
Taong 1998 nang magpakasal sina Bianca at Vhong, at na-annul ang kanilang kasal noong 2008.
Mayroon silang isang anak, si Yce.
Matagal nang may sari-sariling buhay sina Bianca at Vhong.
Si Bianca ay may long-term partner na si Jimmy Lawrence Velasquez.
November 2019 naman nang ikasal sina Vhong at Tanya.
Read: Bianca Lapus details heart-to-heart talk with ex-husband Vhong Navarro
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bianca sa presscon para sa Top Shelf magazine, na ginanap sa Seda Hotel Vertis North, sa Quezon City, noong Abril 2, Linggo.
Dito ay ipinaliwanag ni Bianca na hindi siya nagkaroon ng anumang isyu kay Tanya.
"Si Tanya lang kasi yung naging girlfriend ni Vhong na nag-reach out sa akin. Parang yung mga iba, parang ilap. Ilap-ilap sila sa akin," sabi ni Bianca.
Hindi naman daw siya mataray na ex-wife na tulad sa mga napapanood sa pelikula.
"Alam mo yung sa Mano Po? Yung, 'Ako legal wife,' parang ganyan.
"Huh? Approachable naman ako, ah. Mabait naman ako. Parang may ganoon kasi dito sa Pilipinas.
"Parang, 'Yan yung unang wife,' ganoon!” natatawang sambit ni Bianca.
Puring-puri ni Bianca si Tanya, na inilarawan niyang "very matalino" at maalalahanin.
"When I got sick during that time na mag-boyfriend-girlfriend sila, or Mother’s Day ata... basta hindi ko na ma-remember, pinadalhan niya ako ng potato chips at chocolate.
"So, parang I thought na it was so thoughtful of her."
Read: Bianca Lapus happy about ex-husband Vhong Navarro marrying Tanya Winona Bautista
BIANCA AND TANYA'S HEART-TO-HEART TALK
Kalaunan, nagkaroon daw sila ng heart-to-heart conversation ni Tanya.
Lahad ni Bianca, "And then, ako na yung nag-initiate. Ayun, nagpasalamat ako.
"At sinabi ko sa kanya na, 'We have our own personal lives na ni Vhong. Feeling ko, ikaw na talaga,' sabi ko kay Tanya.
"Ang ayoko lang ay may maagrabyado ang anak ko. Alam mo na, yung mga wicked stepmother na stories, ganyan."
Ano ang sagot ni Tanya?
"Tapos sabi niya, 'Naku, hindi ko gagawin yun. I know my place. No one can ever replace you and I don’t intend to.'
"It was a very sincere conversation between the two of us. Ayun."
Mula raw noon ay naging supportive din daw si Bianca sa relasyon nina Vhong at Tanya.
"Doon ako nag-decide na tatanggapin ko ang babaeng ito. Tatanggapin ko siya na maging stepmom ng anak ko.
"'Tsaka pakikisamahan kong mabuti. Tapos, in-open ko rin ang heart ko na maging magkakaibigan kami."
Isa raw silang masayang blended family.
Dagdag ni Bianca, "Kasi minsan, kunyari birthday ng anak ko, andun ang partner ko, si Jimmy. Andoon din si Tanya. Happy family kaming lahat.
"Ganoon naman talaga dapat, di ba? Hindi na uso yung mga drama-drama pa."
Lalo pang naging close sina Bianca at Tanya dahil sa dinanaanang kalbaryo ni Vhong dala ng nabuhay na rape allegations laban sa It's Showtime host noong mid-2022.
Pero base sa desisyon ng Supreme Court noong February 8, 2023, napatunayang "inconsistent" ang alegasyong rape na ibinato ni Deniece Cornejo laban kay Vhong.
RELATED STORIES
- Supreme Court ruling shows "glaring inconsistencies" in Deniece Cornejo's claim that Vhong Navarro raped her
- Bianca Lapus reveals son Yce deeply affected when he visited dad Vhong Navarro at detention facility
- Tanya Bautista touched by show of support from Vhong Navarro's exes
- Bianca Lapus details heart-to-heart talk with ex-husband Vhong Navarro
