Umani ng simpatiya mula sa mga tagahanga ni Ruru Madrid ang pa-real talk nito sa Twitter ngayong Miyerkules, April 12, 2023.
Hindi malinaw kung ano at sino ang pinatatamaan ng Kapuso actor sa kanyang cryptic post.
Tila may pinariringgan siyang mga tao na diumano'y hindi masaya kapag may umaasenso at pilit nila itong hinihila pababa.
Buong tweet ni Ruru: “May mga tao na sadyang di lang masaya sa tuwing may mga umaasenso sa buhay... kaya gagawin nila ang lahat para lang hilahin ka pababa. #RealTalk”
Sa comments section, nagpaabot naman kaagad ng suporta ang fans ni Ruru:



Samantala, aminado si Ruru na lalong gumaganda ang relasyon nila ngayon ng girlfriend na si Bianca Umali.
Apat na taon na ang relasyon nilang dalawa.
Sa huling panayam sa kanya ng media nitong nakaraang March 2023, sinabi ng Kapuso actor na masaya silang bukas na sa publiko ang matagal-tagal na ring relasyon nila ni Bianca.
Aniya, "Actually, right now, parang wala na kaming itinatago when it comes to our relationship.
"Mas masarap sa pakiramdam na kahit papano, alam ng mga taong sumusuporta sa amin kung ano yung estado naming dalawa.
"At the same time, magkatrabaho kami ngayon.
"I guess, nasa sa amin kung hanggang saan lang namin gusto i-share yung relationship."
Read: Ruru Madrid says breakup with Bianca Umali made him realize she's "The One"
Magkasama sina Ruru at Bianca sa Kapuso prime-time series na The Write One.
