Ipinagdiwang nina Ai-Ai delas Alas, 58, at Gerald Sibayan, 29, ang ninth anniversary ng kanilang relasyon kahapon, April 12, 2023.
Kaugay nito, nagbahagi si Ai-Ai sa Instagram ng photo collage ng mga larawan nila ni Gerald mula noong 2014 hanggang ngayong 2023.
Sabi ng Comedy Queen, akala niya dati ay kathang-isip lamang ang pagkakaroon ng isang matinong lalaki sa buhay. Hanggang sa dumating daw si Gerald sa buhay niya.
Saad ni Ai-Ai (published as is), “Happy 9th year anniversary as a couple my darling ko... May our marriage be blessed with love, joy and companionship for all the years that we will be sharing.
“I always thought that a perfect husband is a myth, kathang isip lang... sabi sabi... kwento kwento kasi dati ang lalaki saken toxic...
"aba nag babago pala ang pananaw... totoo pala na may lalaking maayos, may asawang mabait meron palang forever... akala ko bilihan lang damit ang may forever (21)..."
Nagpasalamat siya kay Gerald sa pagiging mabait na asawa nito na nagtatrabaho para sa kanila.
Ayon pa kay Ai-Ai, tila nalungkot ang haters at bashers niya dahil mali ang hula nila noon tungkol sa asawa.
“thank you very much for being my husband, my partner, my boyfriend, my friend my ka tsismisan at ang importante sa lahat my provider ang nag papakain saken...
“@gerald_sibayan---i love you so much my darling ko yes looking forward sa 10 years naten next year… tarush te going strong !!!
"ang lungkot ng mga bashers at hater 9 years na e mali sila HAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHA...
"Seriously thank you LORD sa greatest blessing ng buhay ko. #paginggitpikit [laughing emoji]”
View this post on Instagram
May hiwalay ring pagbati si Gerald kay Ai-Ai sa Instagram account nito. May payo rin siya kung paano tumagal ang isang relasyon.
Aniya, “Happy 9th anniversary of our relationship from girlfriend until you became my wife., i love you so much [face blowing a kiss emojis] many more years to come for us my wife [face blowing a kiss emojis]
“Tip: For a good and long relationship is to put GOD in the center of our life [praying hands emoji] @msaiaidelasalas”
View this post on Instagram
Unang naiulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagkakakilanlan kay Gerald, dating star player ng badminton team ng De La Salle University (DLSU), noong September 15, 2014.
Ginanap ang church wedding nina Ai-Ai at Gerald sa Christ The King Church sa Greenmeadows, Quezon City, noong December 12, 2017.
Read: Ai-Ai delas Alas weds Gerald Sibayan: "Yes, super I do, Father!"
Noong November 30, 2022, ipinagdiwang ng dalawa ang fifth wedding anniversary nila sa pamamagitan ng renewal of vows sa Las Vegas, Nevada.
Read: Ai-Ai delas Alas at Gerald Sibayan, nag-renewal of vows sa kanilang fifth wedding anniversary
