Sumagot si Melai Cantiveros sa mga haka-haka ng netizens tungkol sa relasyon nila ng asawang si Jason Francisco.
Napansin kasi ng ilang mapanuring netizens na hindi na gaanong nagpu-post ang TV host-comedienne ng larawan nila ni Jason sa Instagram.
Sa short video na ibinahagi ni Melai noong birthday niya last April 7, 2023, mapapansing hindi nito kasama si Jason.
Caption ng Magandang Buhay co-host sa kanyang birthday post (published as is): “Slamat Lord [praying hands emoji] Salamat Ginoo sa imung kaayu.
"All credits to you Lord God sa life na gihatag nmu sa ako. Salamat sa lahat ng nagreets na di kopa narereplyan kasi di kopa maisa isa kayu mga mahals .
"Pero nabasa ko lahat at sobra ko naappreciate mga greetings ng love nyu sa akin/amin. Sa Family and Friends ko salamat Love u all. You all make my birthday special [heart emoji]”
View this post on Instagram
Ilang followers ni Melai ang nagtanong kung nasaan si Jason. May naghinala pang baka may problema ang pagsasama ng dalawa.


Ngayong araw, April 14, nagbahagi si Melai ng short video ni Jason sa kanyang Instagram Story.
Sabi niya: “Good morning mga Kapisanan ng mga Marites sa Pilipinas.
“OTW to @_magandangbuhay live na live.
“Hehehehe asawa po ako hindi po ako Pulis. Hanapan ng nawawalang tao hihihihi.
“Hayan napo hinahanap nyu… buhay na buhay walang kahit na anung sugat. Pinagdrive napo tayo mga ka Mari.”

Taong 2012, naghiwalay na rin noon sina Melai at Jason.
Read: Melason no more?: Jason Francisco writes open letter about split with Melai Cantiveros
Pero, nagkaayos din sila makalipas ang ilang buwan.
Read: Melai Cantiveros and Jason Francisco: How their breakup kept them together
Merong dalawang anak na babae sina Melai at Jason: sina Mela at Stela Francisco.
