Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang pananaw at desisyon ni Nadine Lustre pagdating sa usaping pagbubuntis.
Sa interview ni Nadine sa YouTube vlog ni Bea Alonzo nitong Linggo, April 16, 2023, sinabi niya ang mga dahilan kung bakit ayaw niyang mabuntis at magkaroon ng sariling anak.
Saad ng award-winning actress, "First of all, takot akong manganak.
"Yun talaga yung pinaka-reason ko kung bakit ayaw ko magkaroon ng kids na sarili.
"Takot ako mabuntis, takot ako manganak."
Naniniwala si Nadine na maaari naman siyang maging magulang sa ibang paraan na hindi nabubuntis.
Sa ngayon, mas gusto raw niyang mag-ampon para maalagaan ang mga batang inabandona at hindi naaalagaan nang maayos.
Aniya, "Ang dami kasing kids na walang parents.
"So, right now, parang my mind is set on adopting."
Hindi ito ang unang pagkakataong nagsabi si Nadine na ayaw niyang manganak.
Noong January 30, 2021, sa isang vlog interview niya sa celebrity cosmetic surgeon na si Aivee Teo, mariin din niyang sinabi na mas gugustuhin pa niyang mag-ampon kesa magsilang ng sarili niyang anak.
Read: Why Nadine Lustre prefers adopting over having a kid of her own
NADINE ON HER RELATIONSHIP WITH BOYFRIEND CHRISTOPHE
Hindi rin nakaligtas si Nadine na usisain ang kanyang buhay pag-ibig.
Nobyo ngayon ni Nadine ang French-Filipino entrepreneur na si Christophe Bariou.
Read: Nadine Lustre dedicates MMFF Best Actress award to boyfriend Christophe Bariou
Tanong sa kanya ni Bea, "It is easier to date someone who's not in showbiz?"
Sagot ni Nadine, "For sure, yeah.
"Kasi walang influence ng ibang tao."
Read: Nadine Lustre finally posts photo of rumored French boyfriend on Instagram
Ayon pa kay Nadine, malaking tulong na mayroon siya ngayong Christophe.
"Si Chris kasi, parang siya yung anchor ko sa labas ng show business which is something that I need.
"Kapag nasa showbiz ka kasi, something it gets to loud.
"It gets too noisy. Siya yung humahatak sa akin when it gets to crazy."
Malaking bagay raw na nagkakasundo sila ni Christophe sa maraming bagay at nagtutugma ang mga gusto nilang gawin sa buhay.
Aniya, "Mahirap if partners are seeing eye-to-eye na magkaiba kayo ng goals in life."
Read: Nadine Lustre on pregnancy rumors about her every year: “I don’t know why, I don’t know how.”
