Nabahiran ng kalungkutan ang pagdiriwang ng actress-TV host na si Kim Chiu sa kanyang ika-33 kaarawan kahapon, April 19, 2023.
Isinugod kasi sa ospital ang kanyang panganay na kapatid na si Lakam Chiu, na itinuturing din niyang sandigan sa kanyang buhay at karera.
Kaugnay nito, humingi ng paumanhin si Kim sa lahat ng mga bumabati sa kanya kung hindi niya ito nasasagot lahat.
Mensahe ng It's Showtime co-host sa kanyang post sa Instagram: “Today is different. I wish it were different. [broken heart emoji]
“Before today ends, I want to say Thank You for all your greetings and well wishes.
“Thank you for the flowers, cakes, and meaningful birthday messages you sent here online and personally.
“I’m sorry I couldn't answer all your messages. I appreciate you all so much. [heart emoji] Salamat po.”
Kasunod nito ang paghingi niya ng taimtim na dasal sa mabilis na paggaling ng kanyang kapatid na kasalukuyang naka-confine sa hindi niya pinangalanang ospital.
Aniya, “Kung may hihingin man akong regalo sa inyo ngayon yun ay prayers para sa ate Lakam ko. [praying hands emoji]
“Everything happened in a snap of a finger. She is my strength, and now the word strength becomes blurry. Please pray for her recovery. [praying hands emoji]”
View this post on Instagram
Nauna nang bumati kay Kim ang kanyang boyfriend na si Xian Lim sa pamamagitan ng isang makabagbag-damdaming birthday message sa Instagram.
Read: Xian Lim pens the sweetest birthday message for girlfriend Kim Chiu
