PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sunshine Cruz, Kath Angeles exchange pleasantries on Instagram anew

Sunshine Cruz to Kath Angeles: "Miss na daw kayo ng mga girls!"
by Arniel C. Serato
Published Apr 20, 2023
Sunshine Cruz, Kath Angeles plan to bond soon with their children
Sunshine Cruz (left) and Kath Angeles (right) plan to bond with their kids with Cesar Montano very soon.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Bihira mang magkakasama sa mga pagtitipon, sinisiguro nina Sunshine Cruz at Kath Angeles na napapanatili nila ang kanilang magandang pagkakaibigan.

Si Sunshine ay ex-wife ni Cesar Montano, na current partner ni Kath.

Sa Instagram ngayong araw, April 20, 2023, nag-post si Sunshine ng kanyang bagong selfie.

Saad niya sa caption, “sometimes it's the smallest decisions that can change your life forever.” [smiling face with hearts, two hearts emojis]”

Isa sa mga unang nagkomento rito ay si Kath.

Papuri niya kay Sunshine: “Ganda mo!! Fresh na fresh [smiling face with hearts emoji]”

Tugon ng singer-actress: “@maarriiaaa05 aw thanks Kath. Miss na daw kayo ng mga girls! [heart emoji]”

Ang tinutukoy ni Sunshine na "mga girls" ay ang tatlo niyang anak kay Cesar: sina Angelina, Sam, at Chesca.

May tatlo ding anak si Kath kay Cesar: sina Samuel, Liam, at Kristen

Sagot ni Kath kay Sunshine: “@sunshinecruz718 oo nga, miss na din namin sila, lagi sila tinatanong ng kids. Hope to see you all soon @angelinaisabele @samcruzm @chesca.montano [heart emoji]”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sunshine Cruz, Kath Angeles exchange pleasantries on Instagram

Malinaw na patuloy na pinapanday nina Sunshine at Kath ang kanilang pagkakaibigan mula nang umusbong ang kanilang “blended family” noong nakaraang taon, 2022.

Katunayan, bukas sa publiko ang pagpapalitan nila ng magagandang mensahe sa isa’t isa sa social media.

Read: Sunshine Cruz thanks everyone for appreciating her “blended” family: “Oras na kalimutan ang past.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Instagram noong January 20, 2023, nag-late post si Kath ng mga larawan ng selebrasyon nila ng Bagong Taon.

Sa unang larawan kung saan kasama niya sina Sunshine, Cesar, at ang mga anak nila, nilagyan niya ito ng caption na “Peaceful and Healthy 2023!!!”

Nagkomento rito si Sunshine.

Aniya, “Thanks for everything Kath. God bless you always. [heart emojis]”

Pati na ang tatlong anak ng aktres na sina Sam, Angelina, at Chesca.

Read: Sunshine Cruz and Kath Angeles continue to forge friendship; strengthen blended family setup

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Cruz (left) and Kath Angeles (right) plan to bond with their kids with Cesar Montano very soon.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results