Very educational para kay Angelika Santiago ang stage play na Dick Talk, na pinagbibidahan nina Jake Cuenca, Mikoy Morales, Gold Aceron, Nil Nodalo, and Archi Adamos
Napanood ito ng 19-year-old Prima Donnas bago nagsara ang telon nito noong April 21, 2023.
Ano ang kanyang naging impresiyon sa play?
"Actually, noong una po, akala ko medyo bastos, kasi sa opening pa lang po, parang... pero, yung mga kasama ko, may sinisigaw-sigaw sila na parang something new para sa kanila.
"Pero, sa point of view ko po, it's so different, kasi parang you're learning po yung struggles of men."
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang baguhang artist sa birthday asalto ng kanilang pamilya para sa showbiz reporter na si Lhar Santiago noong Linggo, April 23, 2023, sa Mesa Restaurant sa UP Town Center, Quezon City.
Sa pagpapatuloy ni Angelika, "Kasi yung naririnig lang po natin ay yung sa mga babae, like yung nahihirapan kami kapag nagkakaroon ng period [menstruation], manganak.
"And we don't really know much about guys, kasi they thought na kapag lalaki ka, di ka mag-u-open up, malakas ka. at di ka iiyak.
"At dun ko po nakikita na napupuno na rin minsan, yung mga lalaki. At yung pagkontrol po ng *ri, very important po yun."
Kapupulutan daw ito ng aral, lalo na pagdating sa sex education.
"Educational na in a way ay puwedeng panoorin ng mga bata, yung nasa age na po na yun, as long as may guidance ng magulang.
"As in super educational din po siya sa transgenders na gustong mag-transition into a guy. O, kung nahihirapan sila, kung tama ba itong gawin.
"Yung wala namang mga mali sa desisyong ginawa mo, kasi, in the end, lahat nang yun ay magiging past mo na, e.
"At least, natuto kayo dun sa mistakes niyo, and what's important is alive ka ngayon, and you're thanking God po."
Na-culture shock ba siya considering na bagets pa rin naman siya, at wala pang gaanong experience sa buhay.
Pag-amin ni Gelay, "Na-conscious po nang konti kasi yung image na inaano sa akin ng management ko is innocent din ako.
"So parang nung una, parang puwede ko bang panoorin ito? Puwede naman, puwede naman.
"Tapos nung pinapanood ko po, parang naninibago ako. But it was such an amazing show, so please watch it, kahit sa YouTube pa, cause you will learn a lot."
Sa una raw ay ayaw siyang payagan ng kanyang mga magulang, pero ito ay dahil magha-hatinggabi na ang tapos ng play.
Hindi naman daw sila nag-alangan sa tema dahil sa bahay, bukas sila na pag-usapan ang tungkol sa sex education.
"Pinilit ko sila kasi isiningit ko din lang po yun
"Kasi taping po, then yung show, at taping uli kinabukasan. Up to 11 p.mm po [yung show], e, may taping pa ako ng 7 a.m. kinabukasan.
"Nung una, ayaw ni Mama, pero hindi. Sabi ko panoorin ko na kasi alam ko naman na yung curiosity ng mga bata.
"Kasi yun din po ang sinasabi sa akin ng mga magulang ko, na nung dumating kami sa age na iyan, na-curious din kami.
"Sinasagot naman nila, na ikaw bilang magulang, turuan mo ang mga anak [tungkol sa sex education], kasya sa mapunta pa sila sa mali, di ba?
"And, I think, yun din ang gustong palabasin ng Dick Talk, na dapat lagi kang mag-open sa parents mo.
"Lalo kapag feeling mo ay di ka safe. Wala kang alam sa ganyang mga experience.
"Lahat na ng mga iyan ay napagdaanan na nila ang mga iyan, kaya mas marami silang masasabing tama o alin ang dapat."
Very open-minded ang kanyang parents, at napg-uusapan daw nila pati premarital sex.
Kuwento pa ni Gelay, "Yes, yes po. Very open po ang parents ko about that.
"Kasi for them, sa right age naman, pero, as much as possible, kasi nga Christian family po kami, we follow po marriage muna [before sex].
"Pero sa kanila, very open as long as you're safe.
"Pero kaming mga siblings, parang...wag na lang. Natakot din kami kasi I'm the only girl."
Protective din daw ang kanyang mga kuya.
"Siyempre, yung protection din ng mga kapatid, di ba? Akala ko nga, sila yung mga magulang ko, kasi sila yung nagagalit, e.
"May makausap lang na ano. Minsan friends nila, nagagalit sila sa akin."
