JERRY OLEA
Kagaya sa excerpt night noong Pebrero 21, 2023, sa Mowelfund building, may butt exposure si Gold Aceron sa Red Carpet Night ng Dicktalk nitong Abril15, Sabado sa Carlos P. Romulo Auditorium ng RCBC Plaza, Ayala Avenue, Makati City.
Read: Gold Aceron, nagpasilip sa excerpt night ng DickTalk
This time, nakaharap na siya sa audience habang supposedly ay nagma-masturbate, pero may TV na tumatakip sa kanyang harapan.
Kumusta siya ngayong nairaos na ang gala night ng Dicktalk?
Napangiti ang 24-anyos na si Gold, “Sa wakas, nalabas ko na lahat ng kaba, lahat ng ano ko noong nakaraan, iniisip.
“Kasi itong Dicktalk, nakakakaba talaga, e. Bago mag-gala, iba yung nararamdaman naming lahat ng cast. Kinakabahan kami.
“Pero nung nakita na namin yung audience na kahit papaano, nag-e-enjoy din sila, sobrang iba rin yung pakiramdam na nagagawa rin namin nang maayos yung work namin, yung character namin na nabibigyang-buhay namin, natutuwa ang audience.
“Ayun, sobrang happy ako sa naramdaman naming yun.”
Nakapag-bonding na sila nang lubos ng co-stars niya sa Dicktalk na sina Jake Cuenca, Mikoy Morales, Nil Nodalo at Archi Adamos.
“Sobrang close naming lahat. Ahhmmm para na talaga kaming magkakapatid ngayon. Mas lumalim kami nung nag-start na yung rehearsals,” sambit ni Gold.
“Kasi lagi kaming magkakasama. Nagpapayuhan kami sa isa’t isa. Tapos kapag may acting na kailangan itanong, ahhmm itinatanong namin sa isa’t isa.”
If ever, kaninong character ng co-stars niya ang gusto rin niyang gampanan?
“Siguro, gusto kong gampanan sa kanila, yung kay Kuya Jake. Kasi, bargas! Gusto ko talagang maging bargas-bargas minsan sa isang pag-aakting ba,” tugon ni Gold.
“Kasi parang lagi akong young. Lagi akong bata, lagi akong malambot, ayun.”
May mga nanood bang kapamilya niya o kamag-anak sa Red Carpet Night ng Dicktalk?
“Wala pong pumunta. Pero yung mga friends ko po, ahhmm mga kasabayan ko sa pag-aartista, andito,” saad ni Gold.
“Sina Kokoy [de Santos], sina Rex Lantano. Sina Miggy Jimenez, Jomari Angeles, sina Kych Minemoto.”
Hindi niya inimbitahan ang pamilya niya?
“In-invite ko po kaso ayaw din po nilang pumunta. Kasi, RCBC pa daw po, malayo. Taga-Navotas po kami. Saka hindi talaga sila maganun talaga,” pag-amin ni Gold.
“Siguro next time na lang.”
Itatanghal pa ang Dicktalk sa Abril 18-21 ng 8:00 p.m., at Abril 23 ng 3:00 p.m. at 8:00 p.m. Available ang tiket sa Ticketworld.
Ang Dicktalk ay idinirek ni Phil Noble. Prinodyus ito ng V-Roll Media Ventures, katuwang ang Trifecta Brand Lab, Marikit Artist Management, at CMB Film Services, Inc.
NOEL FERRER
Intimate yung theater ng Mowelfund building kung saan ginanap ang excerpt night ng Dicktalk. Kokonti ang nanood.
Sa RCBC Plaza, marami ang audience, at nakaharap si Gold sa mga ito habang supposedly nagmamaryang-palad.
“Yun pa rin naman ang na-feel ko. Ahh ang mahalaga lang naman kasi sa akin lagi, e, magawa ko ang work ko nang maayos,” lahad ng premyadong aktor.
“Kung ano yung kailangan sa akting, yun ang gagawin ko. And ayun, wala namang masama doon din. Ayun, happy rin ako sa result.”
It seems that Gold has conquered the indie roles — sa films man o sa theater. Hangad din kaya niyang mag-mainstream, o talagang fulfilled na siya sa indie work niya?
GORGY RULA
Gumanap si Gold bilang 16-anyos na si Jun-jun sa Dicktalk. Inilahad ng karakter niya ang karanasan sa pagpapatuli, ang pagpapahulagpos ng init sa pagdya-"Jack Cool" tuwi-tuwina, at ang unang pagtibok ng kanyang puso.
Sa anong aspeto ng karakter niya naka-identify siya?
“Actually sa lahat. Kasi, pinagdaanan ko rin yung pinagdaanan ni Jun-jun,” sagot ni Gold.
“Na-experience ko yung na-experience ni Jun-jun so para sa akin, kahit papaano nung ginawa ko yung karakter ni Jun-jun, medyo nakapa-kapa ko agad.”
Pati iyong "Jack Cool" nang "Jack Cool"? Ganoon din siya noon?
Natawa si Gold, “Oo! Dati, ganun talaga ako! Hindi natin maikakaila iyan!”
Nakatrabaho na before ni Gold si Direk Phil Noble sa dulang Motorsiklo. Gumanap din siyang Basilio at Crispin sa pagsasadula ng Noli Me Tangere na pinanood ng mga estudyante.
Dalawang taon din siyang nag-workshop sa PETA.
