Bagamat challenging ay malaking blessing para kay Jennica Garcia ang hit Kapamilya prime-time revenge-drama series na Dirty Linen.
Sa panayam ni Amy Perez kay Jennica sa Sakto ng TeleRadyo ay inamin nitong personal niyang hiningi ang proyekto without any idea sa mga karakter na bumubuo sa kuwento.
Kaba naman daw ang kanyang naramdam nang i-alok na sa kanya ang papel ni Lala Millado sa serye.
Dating sexy dancer sa bar si Lala, dahilan para magsuot si Jennica ng mga sexy outfits lalo na sa mga flashback scenes.
Kuwento ni Jennica, "Andun po yung kaba talaga. Lalo na yung sinabi sa akin yung history ni Lala, nagtatrabaho siya sa bar, na prostitute siya.
"Nag-meeting po talaga kami kasi nakakahiya po, kasi hiningi ko yung trabaho, pero parang gusto ko na ring umurong.
"Kasi po hindi pa ko nakagawa ng ganitong klaseng role."
CHANNELING PIA WURTZBACH
Kabado raw si Jennica na baka hindi niya magampanan nang maayos ang papel ni Lala.
"Hindi ko rin alam, kasi alam naman po natin yung karakter ni Lala parang gandang-ganda siya sa sarili niya," sabi ni Jennica, na anak ng primyadong aktres na si Jean Garcia.
"Alam ko sa sarili ko na hindi ko kaya itong gawin, pero pag sinabi na po ni Direk Andoy na 'Action!'
"Ibang klaseng drive and confidence niya [Lala]. She is beatiful and that she is sexy."
Para magampanan nang maayos ang role ay natatawang sinabi ni Jennica na peg niya si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.
"Sa totoo lang po pag sinusuot ko po si Lala, nakakahiya kay Miss Pia Wurtzbach, pero iniisip ko po talaga kahit hindi ko siya kamukha.
"Kahit magkaiba kami ng level ng ganda, iniisip ko pag action na, meron akong confidence ni Pia Wurtzbach, meron akong alindog ni Pia Wurtzbach, meron akong katawan ni Pia Wurtzbach.
"Kahit wala, parang iniisip ko na lang po siya sa isip ko para maitawid yung eksena."
Meron bang katangian si Lala na nakaka-relate si Jennica?
"Wala po yata. Siguro yung ano lang po, pareho kami ni Lala magmahal, yung pag nagmahal hindi kami basta madaling matitibag dahil lang hindi na kami mahal nung mahal namin," sagot ni Jennica.
"Yung ipipilit namin hanggang dulo, hanggang sa maramdaman namin na tinutulak na kami palayo."
Pebrero ng taong ito nang kumpirmahin ni Jennica na magda-dalawang taon na silang hiwalay ng mister na si Alwyn Uytingco.
READ Jennica Garcia ends any talk about marriage to Alwyn Uytingco: “Hindi na kami mag-asawa ni Alwyn.”
DREAM SHOW TO BE IN
Sa panayam ni Jennica kay Amy, nabanggit nito ang kanyang dream project kung mabibigyan ng pagkakataon.
"I really want to star in a Korean adaptation series. Saka naiisip ko nga, sige pagsasabi ko na para pag may auditon, makapag-audition po." sabi ni Jennica.
Hindi naman imposible ito dahil ilang serye from South Korea na rin ang nagkaroon ng Pinoy adaptation, katulad ng Full House, My Love from the Star, A World of Married Couple, at Descendants Of the Sun.
Ilan lamang sa mga female local artists na gumanap sa mga nabanggit na serye ay sina Heart Evangelista, Jodi Sta. Maria at Jennylyn Mercado.
Sa tingin niyo PEPsters, ano kayang Korean series ang babagay kay Jennica?