Medyo suwabeng pagsasapubliko ang ginawa ni Marco Gumabao, 28, sa kanilang relasyon ni Cristine Reyes, 34, sa Instagram at Facebook ngayong Lunes, April 24, 2023.
Ilang oras pa lang ang nakalilipas, nagbahagi si Marco ng ilang sweet photos nila ni Cristine na kuha sa kanilang bakasyon at ilang mga lakad.
Makikita sa unang larawan habang hinahalikan ni Marco si Cristine sa pisngi habang nasa beach sila.

May isa namang larawan na holding hands while walking (HHWW) ang dalawa.

Ang isang larawan naman ay parang Instapic, na idinikit sa refrigerator kung saan may nakasulat na “HA HA HA [smiling emoji] LOVE YOU!”

Maiksing caption ni Marco sa kanyang post: “You are my home and my adventure all at once [heart, face blowing a kiss emojis]”
View this post on Instagram
"Face with hand over mouth, face blowing a kiss, smiling face with heart eyes, heart, praying hands emojis" naman ang komento ni Cristine sa post ni Marco, na tila pagsang-ayon na ipagsigawan ng aktor ang kanilang pagmamahalan.

Kinilig naman ang maraming celebrity friends sa post ni Marco:




Noong Marso, lumabas ang ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung saan spotted ang dalawa na magka-holding hands sa isang restaurant sa Makati.
Read: Marco Gumabao, Cristine Reyes spotted holding hands in Makati
Sina Marco at Cristine ay parehong nasa pangangalaga ng Viva Artists Agency.
Nagkasama sila sa pelikulang Martyr or Murderer, na marahil ay isa sa naging daan kung bakit sila nag-reconnect.
