Usap-usapan ngayon sa social media ang lumang video ng interbyu ng aktres na si Cristine Reyes, 34.
May koneksiyon ito sa pagsasapubliko ng hunk actor na si Marco Gumabao, 28, tungkol sa espesyal na relasyon nila ng aktres.
Read: Instagram official: Marco Gumabao calls rumored girlfriend Cristine Reyes “my home”
Kuha ang video sa naging panayam ni Cristine sa Tonight With Boy Abunda ng ABS-CBN noong 2019.
Dito ay sumalang siya sa game challenge ng host na si Boy Abunda na "Totropahin o Jojowain."
Isa ang litrato ni Marco sa ipinakita ni Boy. Agad namang sinagot ni Cristine na "tropa."
Paliwanag ng aktres na magkaibigan sila ni Marco at masyado pang bata ang aktor kung jojowain niya.
Aniya, "Si Marco, we're friends.
"Ang bata pa ni Marco.
"Ano ako cougar?"
Ang salitang "cougar" ay isang slang term na nangangahulugang babaeng nakikipagrelasyon sa mas bata sa kanya ng ilang taon.
NETIZENS REACT
Hindi napigilang balikan ng netizens ang naging pahayag noon ni Cristine.
Tanong nila, anong nangyari sa sinabing niyang "tropa" lang ang tingin niya kay Marco.
Tweet ng isang netizen, "Sabi nga sa isang kasabihan, huwag magsalita ng tapos. Tropa noon, jowa ngayon."
Sabi ng isa, "Nung tinanong about kay Marco Gumabao 'tropa' raw kasi bata pa si guy at di rin naman daw siya cougar. Yung interview was (2019) pero ngayong 2023, mag-jowa na sila. Hindi mo talaga alam kung ano nakatadhana sayo. Kusa nalang talagang mangyayari lahat. Ang mahalaga both sila happy."
Tanong pa ng isa, "Anyare mareng Cristine?"
Read: Marco Gumabao, hindi alintana ang pagiging single mother ni Cristine Reyes
Kung may ibang napatanong, mayroon din namang sumuporta sa kinahantungan ng relasyon nina Cristine at Marco.
Saad ng isang netizen, "Okay lang yan, kapag umiibig ka, age doesn't matter naman as long as single naman kayo pareho. Enjoy lovebirds."
Read: Ara Mina on Cristine Reyes’s relationship with Marco Gumabao: "I’m happy for my sister."
Bago ang kanilang pag-amin, nauna nang kumalat sa social media ang mga litrato nina Marco at Cristine na waring nagbabakasyon sa Siargao.
Nasundan pa ito noong March 21, 2023, kung saan lumabas sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na naispatan silang dalawa na magka-holding hands sa isang restaurant sa Makati.
Read: Marco Gumabao, Cristine Reyes spotted holding hands in Makati
