Hinangaan ni Ara Mina ang pagiging matapang ni Marco Gumabao na ilantad sa publiko ang relasyon nito sa kapatid ng aktres na si Cristine Reyes.
Read: Instagram official: Marco Gumabao calls rumored girlfriend Cristine Reyes “my home”
Saad ni Ara, “That’s good to know. It means serious siya sa relasyon nila and in love and happy siya sa sister ko. Kasi proud siya.”
Sinabi rin ng actress-entrepreneur na masaya siya para sa kapatid dahil nakahanap na ito ng bagong mamahalin.
“I’m happy for my sister siyempre,” maiksi niyang banggit.
Ayon pa kay Ara, hindi masama na minsan ay buksan ng isang tao ang kanyang puso sa panibagong pag-ibig matapos mabigo sa isang relasyon.
Nangyari na rin daw ito sa kanya matapos silang maghiwalay ni noo’y Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses at sa pagkakaroon niya ng bagong minamahal sa katauhan ni Dave Almarinez, na asawa na niya ngayon.
Matagal nang hiwalay si Cristine sa asawa nitong si Ali Khatibi, kung saan meron silang isang anak na babae—si Amarah.
Ani Ara, “Oo naman, it happened to me. So, why not sa sister ko na bata pa?”
Mensahe pa niya kay Marco: “Please take care and love my sister, okay? Make her happy. Please love also her daughter kasi siyempre may plus one na agad yan.”
Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ara, sa pamamagitan ng Viber messaging, Martes ng gabi, April 24, 2023.
MAGANDANG ARAW
Samantala, masaya ring ibinalita ni Ara ang pagkakaroon niya ng bagong television show, ang Magandang ARAw, na mapapanood sa NET 25 very soon.
Pagbabahagi niya, “It’s a lifestyle magazine show. About beauty, health and wellness, lifestyle ng celebrity, inspirational stories, cooking, baking. Beauty hacks, technology, home hacks, and fitness.
“Kaabang-abang dito ang mga beauty secrets, hobbies, beauty routine, exercises and mga things na ginagawa ng mga celebrities na hindi natin usually nakikita.
“And gagawin ko din ang mga ginagawa nila. Itsa-challenge ko sarili ko na gawin din yon.”
View this post on Instagram
Masaya rin siyang naka-tape na sila ng isang episode kung saan pinagbigyan sila ng aktor na si Piolo Pascual.
Saad ni Ara, “Yup, we visited Piolo sa Batangas. Super thankful ako sa time na binigay niya sa akin and para sa show ko.
"Super na-appreciate ko yung time na binigay niya sa akin and sa show ko kasi I know how busy he is.”
Timing na rin daw ang pagkakaroon ng solo TV show ni Ara sa nalalapit niyang pagdiriwang ng kanyang ika-30 taong anibersaryo sa showbiz.
Sabi ni Ara, “This is a dream come true for me to have my own lifestyle show, after 30 years in the biz.
“I just wanna showcase the real ARA in my show. I’m not a pro pagdating sa hosting pero will do my very best na ma-entertain ko ang viewers in my own way.
“Parang si Drew Barrymore lang, she’s known as an actress but now she has her own show and venturing into hosting. And she’s fun to watch.
“Sometimes we need to be out of our comfort zone to see our other potentials.”
