PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alex Gonzaga Criticized for Showtime Comment

Tropang LOL will have its final episode on Saturday, April 29, 2023.
by Arniel C. Serato
Published Apr 27, 2023
Alex Gonzaga distasteful joke about It's Showtime
Vlogger-TV host Alex Gonzaga (left) in a funny banter with Tropang LOL co-host Billy Crawford (right) in their episode yesterday, April 26, 2023.
PHOTO/S: Courtesy: Facebook

Ilang araw bago magpaalam sa ere ang Tropang LOL, lumikha ng ingay ang isa sa main hosts nitong si Alex Gonzaga.

Bago magtapos ang episode ng TV5 noontime show kahapon, April 26, 2023, nagbiro si Alex na ma-extend ang airtime ng Tropang LOL.

Buong sinabi ni Alex: “Huwag na natin tong tapusin, mag-overtime tayo, huwag natin silang papasukin.”

Kahit walang binanggit, malinaw na ang tinutukoy ni Alex na "huwag papasukin" ay ang ka-back-to-back nilang noontime show na It's Showtime.

Humirit si Billy Crawford na hindi naman ito maaari dahil puputulin din ang Tropang LOL sa ere.

Pabirong hirit ulit ni Alex kay Billy, “Baka naman bumalik ka dun, ha.”

Ang ibig niyang sabihin ay baka bumalik si Billy sa It’s Showtime kung saan matagal itong naging kabahagi.

Read: Billy Crawford bids tearful goodbye to Vice Ganda; TV5 confirms Billy's transfer

Hindi nagustuhan ng ilang netizens ang mga hirit ni Alex.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibinahagi nila sa Twitter ang short video clip ng mga binitiwang salita ni Alex.

Saad ng isang netizen, “Eto namang si Billy Crawford and Alex Gonzaga the audacity to throw a shade akala mo naman talaga eno? Eh mas matagal pa nga ang Sineskwela show kesa sa noontime show na ito!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng isa, "Kaya ka naba-bash eh. Wala talagang pinagkakatandaan tong Alex Gonzaga"

Biro ng isa pa, "Si Alex Gonzaga nagiging gaga n tlga [laughing emojis]"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon sa isa pa, "Hay naku, sana mahulog ang ilaw sa'yo sa studio Alex Gonzaga!"

Apela ng isa pa, "pag pray nalang natin si alex gonzaga"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Obserbasyon ng isa, "hindi talaga natututo tong si alex gonzaga [crying emoji]"

Wish naman ng isa na banatan siya ni Vice Ganda ng It's Showtime.

Aniya, "Banatan sana ni meme Vice."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PREVIOUS ISSUE

Noong July 2022, binatikos ng netizens si Bayani Agbayani dahil sa sinabi niyang hindi nag-o-overtime sa ere ang Tropang LOL.

Tila parinig daw kasi niya ito sa noo'y bago pa lang nilang ka-back-to-back na It's Showtime dahil minsan ay nag-overtime ito sa ere.

Read: Bayani Agbayani dedma sa bashers at pagkukumpara sa Tropang LOL at It's Showtime

FINAL EPISODE OF TROPANG LOL

Sa Sabado, April 29, magtatapos na sa ere ang Tropang LOL matapos ang halos dalawang taon nito sa ere.

Read: Tropang LOL, magpapaalam na sa ere sa April 29 — sources

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vlogger-TV host Alex Gonzaga (left) in a funny banter with Tropang LOL co-host Billy Crawford (right) in their episode yesterday, April 26, 2023.
PHOTO/S: Courtesy: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results