Naging sentimental si Angelica Panganiban nang muli siyang makatuntong sa gusali ng ABS-CBN sa may Sgt. Esguerra corner Mother Ignacia Avenue, Quezon City.
Si Angelica ay homegrown talent ng Kapamilya network.
Pansamantala siyang nawala sa limelight matapos niyang ianunsiyong nagdadalantao siya sa anak nila ng kanyang non-showbiz fiancé na si Gregg Homan.
Read: Angelica Panganiban at Gregg Homan, five months nang engaged
Noong September 20, 2022, isinilang ni Angelica ang isang healthy baby girl na pinangalanan nilang Amila Sabine.
Read: Angelica Panganiban, Gregg Homan welcome their first child
Sa Instagram nitong April 30, 2023, hindi napigilang maging emosyonal ni Angelica nang bumalik siya sa ABS-CBN kasama ang kanyang mag-ama.
Makikita rin sa kanyang post ang litrato nila kuha sa ilang pasilyo ng ABS-CBN building.
Ani Angelica, na-miss niyang tumuntong sa itinuturing niyang tahanan ng halos 30 taon.
Bukod sa pag-iikot sa ABS-CBN building, dinalaw rin nina Angelica ang ninong at ninang ng kanyang anak—sina ABS-CBN head of TV Production Laurenti Dyogi at ABS-CBN's chief operating officer for broadcast na si Cory Vidanes.
Read: The star-studded baptism party of Angelica Panganiban's daughter Amila Sabine
Mababasa sa kanyang caption (published as is): "Last week I gave my family a tour.
"I had them around my home for 30 years.
"We were able to visit aunt cory and godfather @direklauren."
Ayon pa kay Angelica, malaki ang pasasalamat niya sa pamunuan ng Kapamilya Network dahil pinayagan siya ng mga itong i-enjoy ang pagiging isang ina at asawa.
Saad niya, "Nak I got a little emotional. I miss my home. I miss my family members.
"But so thankful that they are letting me enjoy being a mom today."
Read: Angelica Panganiban shares video of Baby Bean’s first plane ride
Nagsimula si Angelica bilang child star sa ABS-CBN nang maging parte siya ng youth-oriented comedy variety show na Ang TV noong 1992.
Simula nito, nagsunud-sunod na ang paglabas niya sa iba't ibang serye at pelikula.
Read: Angelica Panganiban acknowledges Johnny Manahan for her loyalty award from Star Magic
