Ikinasal na si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at ang British entrepreneur na si Jeremy Jauncey.
Nakalagay sa video announcement ni Pia na noong March 24, 2023 pa sila ikinasal ng fiancé.
Pero ngayong May 5, 2023 lamang inanunsiyo ni Pia, sa pamamagitan ng social media, na ikinasal na sila ni Jeremy.
Mensahe niya sa caption ng kanyang Instagram post: "Mr & Mrs Jauncey
24.03.2023."
View this post on Instagram
Sa beach ginanap ang kasal nina Pia at Jeremy.
Wala mang sinabi si Pia kung saan nangyari ang kanilang kasal, pero posibleng naganap ito sa Seychelles dahil doon sila nagbakasyon noong Marso.
Bumuhos naman ang congratulatory messages sa post ni Pia mula sa kanyang mga kaibigan sa showbiz at beauty pageant world:



Kinumpirma ni Pia na engaged na sila ni Jeremy noong May 6, 2022.
Saktong nagbabakasyon sa Amanpulo ang magkasintahan pagkatapos nilang maging abala sa kani-kanilang work engagements.
Ipinakita ni Pia ang sweet moments nila ni Jeremy na nakasakay ng yate, sunset swimming, pati ang romantic date na tila surprise sa kanya ng fiancé.
Sabi ni Pia, "We found the perfect place to celebrate and tell you guys..."
READ: Pia Wurtzbach and Jeremy Jauncey are engaged
DATING HISTORY
Si Jeremy ay founder ng creative at content agency na Beautiful Destinations.
Nagkakilala sila ni Pia nang hindi inaasahang magkrus ang landas nila sa Covent Garden sa London.
Nilapitan ni Jeremy si Pia na agad daw niyang nakilala.
Mabilis na nagkagaanan ang loob ng dalawa, at naging opisyal silang magkasintahan noong December 31, 2020.
