PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nora Aunor on Young Stars: Dadaan-daanan ka na

Nora Aunor recounts being snubbed by idol Amalia Fuentes in the past
by Bernie V. Franco
Published May 8, 2023
Nora Aunor
Superstar Nora Aunor on younger stars: “Mabibilang mo lang yung mga artistang talagang may respeto."
PHOTO/S: YouTube (Snooky Serna)

Ibinahagi ni Superstar Nora Aunor ang napupuna niya pagdating sa younger stars ngayon.

Gaya ng maraming senior stars, napansin daw ni Ate Guy na may mga batang artista ngayon ang hindi marunong magbigay-pugay sa mga nakatatandang artista.

Malayung-malayo raw ito sa nakagisnan nila noon.

“Marami sa mga kabataang artista kasi ngayon na, minsan, yung nauuna ba...

“Di tulad natin, na yung mga artista nung araw,” saad ni Nora sa YouTube interview ni Snooky Serna nitong May 6, 2023.

Sundot ni Ate Guy, “Mabibilang mo lang yung mga artistang talagang may respeto.

“Ngayon kasi, yung mga kabataan, minsan dadaan-daanan ka na nga lang, e.”

Sinegundahan ito ni Snooky na dati na ring nagbahagi ng ganitong karanasan.

“May mga bagong artista ngayon na parang… [dapat] magpasintabi sa isang veteran.

“Much more an icon of the movie industry,” ani Snooky pagtukoy kay Nora.

“Ano ba naman yung bumati ka, di ba, gumanun [mag-bow] man lang kayo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nilinaw ni Ate Guy na nararapat lang magpakita ng paggalang sa kanino mang senior actors.

“Hindi lang sa akin yon. Sa lahat ng mga artista na, ibig sabihin, na nauna sa kanila.

“Respeto lang kasi. Importante sa atin yan, e. Magkaroon ng respeto sa kapwa.

"Kahit na nga di ka artista, kailangan mo pa rin magkaroon ng respeto sa kapwa," diin ni Ate Guy.

SNUBBED BY AMALIA FUENTES

Samantala, nagbahagi rin si Ate Guy ng hindi magandang karanasan niya sa iniidolo noon na si Amalia Fuentes.

Sa interview niya kay Snooky, pinakitaan ng mga larawan si Ate Guy ay hiniling na magkomento.

Ipinakita ang larawan ni Susan Roces. Pumanaw si Amalia noong October 2019, habang si Susan ay noong May 2022.

Ikinuwento ni Ate Guy kung paano niya hinangaan si Susan.

Kuwento ng Superstar, “Noong araw, yung ate ko tagahanga talaga ni Ate Susan. Amalia Fuentes ako nung araw.

“Kaya naniniwala ako sa mga fans na ipinaglalaban yung idol, dahil isa ako sa mga ganon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nora Aunor and Amalia Fuentes

Nang baguhang artista raw siya, nakadaupang-palad niya ang idolong si Amalia.

“Nung pumunta ako ng Manila, at naging artista ako, at kinuha ako ng Tower Productions, nagkataon na nandun si Amalia.

“So, hahalik sana ako. Nagmamadali ako para humalik.”

Bumati muna raw ng “Good afternoon,” si Nora kay Amalia.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Hindi ko maabot-abot yung pisngi niya. Hindi nga niya ako tiningnan na ganun.

“Nagtampo ako, ‘Hindi na kita magiging idolo,’ sabi ko.”

Ang paghanga raw ni Nora ay nabaling kay Susan.

Naranasan din daw ni Nora kung gaano kabait si Susan nang makasama niya ito sa pelikulang Ang Pangarap Ko’y Ikaw (1967).

“Nung makita ko kasi si Ate Susan nung gumawa kami ng movie na Pangarap Ko’y Ikaw, unang-unang pelikula na nakasama ko siya sa Sampaguita Pictures, nabaitan talaga ako sa kanya.

“Hindi ko akalain na maaalala niya ako sa Pasko.

“Yun bang nagpadala siya ng konting regalo, na sa akin napakalaking bagay para sa akin,” pagbabalik-tanaw ni Nora.

Susan Roces and Nora Aunor

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NORA’S CHOICE TO BE THE NEXT NATIONAL ARTIST

Natanong din si Nora kung sino sa tingin niya ang susunod na karapat-dapat mabigyan ng National Artist award.

Si Nora ay ginawaran ng National Artist Award for Film and Broadcast Arts noong 2022.

Sagot ni Nora, “Sa palagay ko, si Lea Salonga.”

Paliwanag niya, “Hindi nga lang siya masyadong naging aktibo sa atin sa Pilipinas, pero nakagawa na rin naman siya ng pelikula dito sa atin.

“Nagkataon lang na dun sa ibang bansa talaga nakilala, Broadway, theatre...”

Deserving daw si Lea na mabigyan ng National Artist award.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Superstar Nora Aunor on younger stars: “Mabibilang mo lang yung mga artistang talagang may respeto."
PHOTO/S: YouTube (Snooky Serna)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results