Queen of Philippine Movies Susan Roces dies

by Jojo Gabinete
May 20, 2022
susan roces dies
Respected and award-winning veteran actress Susan Roces passed away Friday evening, May 20, 2022. She was 80.

Pumanaw na ang tinaguriang Queen of Philippine Movies na si Susan Roces.

Hindi lamang ang Philippine entertainment industry, kundi ang buong bansa, ang nagulat, nanlumo, at hindi makapaniwala na sumakabilang-buhay na ang beteranang aktres ngayong Biyernes ng gabi, May 20, 2022.

Siya ay 80 taong gulang.

Read: Susan Roces: Queen of RP Movies

Si Susan ang butihing maybahay ng pumanaw na King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr. at ina ni Senator Grace Poe.

susan roces family

Continue reading below ↓

Ito ang opisyal na pahayag ng pamilya ni Susan tungkol sa kanyang pagpanaw:

"With great sadness, we announce the loss of our beloved Jesusa Sonora Poe, whom many of you know as Susan Roces.

"She passed away peacefully on a Friday evening, May 20, 2022, surrounded by love and warmth, with her daughter Grace, her nephews Joseph and Jeffrey and many of her family and close friends.

"She lived life fully and gracefully. Remember her in her beauty, warmth and kindess. She is now with the Lord and her beloved Ronnie — FPJ.

"We will miss her sorely but we celebrate a life well lived.

"Susan Roces — daughter, mother, grandmother, a true Filipina and a national treasure.”

Nagsimula ang acting career ni Susan bilang child actress nang gampanan niya ang karakter ng labing-isang taong ulilang bata sa Mga Bituin ng Kinabukasan, ang 1952 movie ng Nepomuceno Productions.

Noong taon ding iyon, nagbida siya sa Boksingera ng Sampaguita Pictures.

Continue reading below ↓

boksingera poster

Mula noon, nagtuluy-tuloy na ang acting career ni Susan na naging isang matagumpay na award-winning actress, movie queen, at movie producer.

Ilan sa maraming pelikula ni Susan na tinangkilik at hindi malilimutan ng publiko ay Ang Daigdig Ko'y Ikaw (1965), Zamboanga (1966), Maruja (1967), Perlas Ng Silangan (1969), Divina Gracia (1970), Florinda (1973), Patayin Mo sa Sindak si Barbara (1974), Maligno (1977), Gumising Ka Maruja (1978), at Mahal, Saan Ka Nanggaling Kagabi? (1979).

Continue reading below ↓

Nariyan din ang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita? (1986), Mundo Man Ay Magunaw (1990), Isinakdal Ko Ang Aking Ina (1997), at Mano Po: My Family (2002).

Kilalang-kilala rin si Susan ng mga kabataan dahil kay Lola Flora, ang kanyang karakter sa FPJ's Ang Probinsyano, ang longest-running action-drama primetime series ng ABS-CBN na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Isang malaking kawalan si Susan Roces sa Philippine entertainment industry dahil sa kanyang mga kontribusyong hindi matatawaran at mahirap mapantayan kaya itinuturing siyang icon at national treasure.

Video: Antonio Payomo III.

Related Stories:

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Respected and award-winning veteran actress Susan Roces passed away Friday evening, May 20, 2022. She was 80.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results