Na-hack ba o nais lamang mag-Instagram cleansing ng singer na si Moira dela Torre?
Ito ang tanong ng netizens matapos mawala ang lahat ng posts ng mang-aawit sa kanyang Instagram account nitong nakaraang Lunes, May 8, 2023.
Ang makikita na lamang ay ang link ng kanyang “Moira Tour 2023” at ang pananatili ng 4.4M followers niya.
Wala na rin siyang pina-follow kahit isa.

Mukha namang hindi na-hack ang account ni Moira dahil ngayong Martes, May 9, nag-share siya ng picture sa kanyang Instagram Story.

Gayunpaman, walang pinagbago sa verified Facebook account ng singer.

Sa July 2023 naman ang last leg ng "Moira World Tour" sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Sa Qatar leg nito noong February, nag-viral ang singer dahil pinagbigyan niya ang isang Pinoy fan doon na humirit sa kanya ng danggit.
Nagpasabay kasi ito ng daing na danggit mula Manila patungong Qatar. Pinagbigyan naman ito ng "Paubaya" singer.
Read: Moira dela Torre grants OFW's 'pasabuy' request to bring danggit all the way to Qatar
Samantala, ilang celebrities na ang nagbura ng kanilang daan-daang posts dahil gusto nilang magkaroon ng panibagong mukha ang kanilang social media feeds.
Isa na rito si McCoy de Leon na binura lahat ang kanyang post sa gitna ng isyu sa kanila noon ng girlfriend na si Elisse Joson.
Pangalawa, ang pag-aalala ng maraming fans ni Liza Soberano nang mawala ang lahat ng kanyang posts sa Instagram.
Read: Liza Soberano’s Instagram account with almost 18M followers allegedly hacked
Pinaghinalaan nung una na na-hack ang kanyang account ngunit makalipas ang ilang araw, nagbalik-post muli si Liza.
