Hindi napigilan ni Rhian Ramos na mapahagulhol matapos hiranging Miss Universe Philippines 2023 ang best friend niyang si Michelle Dee.
Read: Makati’s Michelle Dee crowned Miss Universe Philippines 2023
Nitong nakaraang Sabado, May 13, 2023, full force na dumating sina Rhian, Max Collins, at Janina Manipol para sa grand coronation night ng Miss Universe Philippines 2023 sa Mall of Asia Arena upang ipakita ang suporta nila kay Michelle.
Matalik na magkakaibigan ang apat. Magkasama rin sa iisang bahay sina Rhian at Michelle.
Read: Rhian Ramos at Michelle Dee, magsasama na sa isang bahay
Kaya naman nang tanghaling winner si Michelle, bumuhos kaagad ang luha ni Rhian.
Sa kanyang Instagram Story kagabi, May 14, ibinahagi ni Rhian ang isang short clip noong gabi ng grand coronation.
Kung sina Max at Janina ay tuwa ang ipinakita, si Rhian naman ay humahagulhol.

Sabi ni Rhian tungkol sa video, kaya hindi sumagi sa isipan niya ang sumali sa anumang pageant ay dahil wala siyang "emotional control."
Para lang daw talaga siya sa mga drama stories.
Buong caption ni Rhian, "If you ever wonder why never dumaan sa isip ko sumali sa kahit anong pageant, ito yung reason.
“I have no poise, composure, or emotional control.
“Pang-drama lang talaga ako (crying emoji) #StageWife
“Thank you Lord! Nakaka-ugly cry ang blessings niyo.”

Bukod kay Michelle, kinoronahan din si Pauline Amelinckx ng Bohol bilang Miss Supranational Philippines 2023.
Si Krishnah Gravidez naman ng Baguio ang hinirang na Miss Charm Philippines 2023.
First runner-up si Christine Juliane Opiaza ng Zambales, at second runner-up naman si Angelique Manto ng Pampanga.
