Kasado na ang Miss Universe Philippines 2023 para sa nalalapit na pagtatagisan ng ganda at talento ng mga kababaihan mula sa iba't ibang bahagi ng bansa.
Narito ang mga detalyeng dapat malaman tungkol sa inaabangang coronation night.
The competition
Ito ang fourth edition ng prestihiyosong pageant simula nang mailipat ang franchise organization na pinangungunahan ni Bb. Pilipinas Universe 2011 at Miss Universe 3rd runner-up Shamcey Supsup-Lee as national director.
Gaganapin ang coronation night sa May 13, 2023, at 6:00 p.m., sa SM MOA Arena, Pasay City—na second time nang naging venue para sa Miss Universe Philippines (MUPH) during the pandemic.
Out of the original 40 aspirants, 38 candidates will be competing for the crown.
The crowned winner will succeed Miss Universe 2022 winner Celeste Cortesi, and will represent the country sa Miss Universe International 2023 na gaganapin sa El Salvador sa Central America.
What makes the competition different this year is the change in qualifications of the candidates. It is no longer exclusive to single women.
In this edition, three mothers will be among the aspirants vying for the crown.
Hindi ito ang unang beses na binago ang qualification. Noong 2021, tinanggal ang minimum height requirement na 5'4".
Hosts
Samantala, sa mismong program, sina Alden Richards at Xian Lim ang magsisilbing main hosts for this event.
They will be joined by Maureen Montagne at Tim Yap, who will be be doing their hosting duties backstage.
May special participation bilang guest hosts si Miss Universe 2019 Zozibini Tunzi at si Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel, na isang half-Filipina.


Judges
This year, puro kababaihan ang magiging judges—sina Miss USA at Miss Universe 2015 2nd runner-up Olivia Jordan, Miss Mexico and Miss Universe 2010 Ximena Navarrete, at Miss Trinidad and Tobago and Miss Universe 1998 Wendy Fitzwilliam.
performers
Magkakaroon ng performance sina Nam Woo-Hyun of INFINITE and Jessica Sanchez.
Nam Woo-Hyun is a South Korean singer and songwriter. Runner-up naman si Jessica sa 2011 edition ng American Idol.

Since malapit lamang ang Pilipinas sa Thailand, darating kaya si Jakkaphong “Anne” Jakrajutatip, ang controversial Thai billionaire and transwoman na may-ari ng Miss Universe? Abangan.
How to vote and participate or watch
Para sa mga interesadong magpakita ng kanilang suporta sa mga itinatangi nilang kandidata, they are encouraged to download the Miss Universe Philippines app.
Available ito for both Android and iOS users. Libre ang pag-download at paggamit ng app na ito.
Para naman sa mga gustong mapanood ang performance live, makakabili ng tickets sa website ng SM Tickets. Ang pagbebenta ng mga tickets ay nagsimula noong April 3, 2023. Narito ang mga presyo: General Admission is PHP500 , Upper Box is PHP1,490. Lower box is PHP5,270, at VIP ay PHP12,780.
COMPETITION SCHEDULE
Initially, nangalap ang Miss Universe Philippines team ng online applications para sa mga Pinay na interested sumali sa contest.
Unang itinakda sa January 29, 2023 bilang deadline sa pagtanggap ng applications mula sa mga nagnanais lumahok sa kompetisyon.
Kinailangang i-move ito sa February 5, 2023, at na-extend ulit to February 14, 2023.
Aside from online applications, nag-facilitate din ang MUPH team ng on-site applications na ginanap mula February 13 to 17.
In-announce naman ang final 40 noong February 18.
MUPH launched the competition via a photo shoot challenge kung saan ipinakita ang mga candidates suot ang kanilang gowns, while flaunting their best angles sa harap ng camera.
Naglabas din ng snapshots of the aspirants on April 3.
Para sa challenge na ito, April 3 to 9, 2023 ang voting period.
Ginanap naman ang swimsuit competition noong April 10, 2023.
Voting period ran from April 11 to 16, 2023.
Dumaan din ang mga kandidata sa Jojo Bragais Runway Challenge na ginanap noong April 17.
Si Jojo ay kilala sa kanyang mga pageant shoes, kaya sa challenge na ito, rumampa ang mga kandidata strutted while going down the stairs and walking on leveled surfaces.
The voting period ran from April 17 to 23.
Previous list of winners
Si Rabiya Mateo ang pinakaunang nagwagi as Miss Universe Philippines noong 2020. Tubong Iloilo siya. She was 23 years old noong iputong sa kanya ang korona.
Sumunod sa kanya the following year ang Cebuana beauty na si Beatrice Gomez, na napabilang sa top 5 ng Miss Universe 2021.
Si Celeste Cortesi mula Pasay City ang reigning Miss Universe Philippines.