PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lee O'Brian Celebrates Pokwang for Mother's Day

Pokwang on her bashers: "Puro mga basura ang bunganga at isipan."
by Arniel C. Serato
Published May 18, 2023
Pokwang says Lee O'Brian using their breakup to promote movie
Comedienne Pokwang (right) calls ex-partner Lee O'Brian (left) "gunggong": "Sabi sa inyo, e, may putchung roll sya sa movie kaya biglang nag-greet ng happy Mother’s Day ang gunggong, e, samantalang dalawang taon na never bumati yan kahit birthday ko mangggamit talaga ang p*tah!"
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Tama raw ang hinala ni Pokwang na tila ginagamit lamang siya ng ex-partner na si Lee O’Brian para sa promotion ng pelikulang kinabibilangan nito.

“Putchung roll” pa nga ang pagsasalarawan ni Pokwang sa role ng ex-partner sa hindi niya tinukoy na pelikula. Pero malinaw na ang tinutukoy ng Kapuso comedienne ay ang Vivamax movie na Sandwich.

Sa Twitter ngayong Huwebes, May 18, 2023, sinabi ng Kapuso star na ikinagulat niya ang pagsasalita bigla ni Lee tungkol sa kanilang hiwalayan.

Naganap ang panayam ng entertainment press kay Lee sa presscon ng Sandwich noong May 10.

Read: Lee O'Brian, binasag na ang katahimikan tungkol sa isyu nila ni Pokwang

Ayon kay Pokwang, dalawang Mother’s Day ang nagdaan at maging sa kanyang kaarawan na hindi siya binati ni Lee.

Bukas daw siya sa bashers na diumano'y umaasang mabigyan ng green card.

Buong post ni Pokwang: “sabi sa inyo e may putchung roll sya sa movie kaya biglang nag greet ng happy mother’s day ang gunggong e samantalang dalawang taon na never bumati yan kahit birthday ko mangggamit talaga ang p*tah! pasok bashers na gusto ng green card mula kay kano! #HOPYAKAYO

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Komento ng isang follower, "HAHAHA gusto ko yung 'pasok bashers na gusto ng green card mula kay kano! #HOPYAKAYO'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Pokwang, "totoo nman mga makatanggol parang mga hindi kapwa pinoy kaloka! asa baka magka green card bwahahaahaah"

Ibinahagi rin ito ni Pokwang sa kanyang Instagram Story.

Pokwang IG Story about Lee O'Brian

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa isa pa niyang Instagram Story, sinabi ni Pokwang na ang anak nila ni Lee na si Malia O'Brian ang inspirasyon niya upang lumaban sa buhay.

Sabi ng TiktoClock host, “My strength, my energy, my reason why I need to fight and survive everyday.”

Pokwang IG Story about Malia O'Brian

Samantala, sa post naman ni Pokwang sa Instagram tungkol sa Diyos ngayong araw din, may netizen na nagsabi sa kanyang hindi maganda ang mga sinasabi ng mga tao tungkol sa kanya sa Facebook.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad nito, “Stay positive. Wag mo isipin mga hndi mganda sinasabi syo ng mga Tao sa facebook. They're not on your situation”

Sagot ni Pokwang, “Ay Oo naman po hahahahaha puro mga basura ang bunganga at isipan hahahaa doon lang sila magagaling sa buhay ang mag marites at maglabas ng inggit.”

Pokwang answers netizen

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nitong mga nakaraang araw, hindi tinantanan ni Pokwang si Lee na patuloy niyang tinatawag na “user.”

Read: Pokwang reveals she wants to change daughter's surname; calls ex-partner Lee O’Brian "user"

Pati ang mga magulang ng American actor ay kanya ring napagdiskitahan dahil wala man lang daw itong ipinapadalang “package” para sa kanilang apo.

Read: Pokwang takes a swipe at Lee O'Brian's parents for not sending "package" to Malia

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedienne Pokwang (right) calls ex-partner Lee O'Brian (left) "gunggong": "Sabi sa inyo, e, may putchung roll sya sa movie kaya biglang nag-greet ng happy Mother’s Day ang gunggong, e, samantalang dalawang taon na never bumati yan kahit birthday ko mangggamit talaga ang p*tah!"
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results