Hindi pa rin nagpapaawat si Pokwang sa mga tirada niya sa ex-partner na si Lee O’Brian.
Sa Instagram kahapon, March 1, 2023, sunud-sunod ang pagsagot ni Pokwang sa kanyang followers na apektado sa sinasabi ni Pokwang na pagiging toxic ni Lee bilang karelasyon noon.
Suhestiyon ng isang netizen, dapat daw tanggaling na ang apelidong "O'Brian" ni Malia ngayong hiwalayan na sina Pokwang at Lee.
Sabi ng netizen (published as is), "@itspokwang27 ganda ng anak mo Madam, if ako syo sunod mo sa surname mo, hindi worth it gamitin nya surname ng ex mo, Ms. Universe Malia Subong in the making."
Kinumpirma ni Pokwang na ito ang plano niyang gawin ngayon.
Sagot niya (published as is), "inaasikaso ko na po."

Isa pang follower ni Pokwang ang nagkomento tungkol kay Lee.
Sabi ng isang netizen (published as is), "Mommshie pokwang, hawig talaga ng ex huaband mo si malia, ang ganda pero syemrpe ang pagkapilya eh kay mommy pokwang."
Kinontra ni Pokwang ang pagtukoy kay Lee bilang "asawa "niya.
Diin ng TiktoClock host, hindi sila kasal ni Lee.
Takot daw sa responsibilidad ang Amerikanong ex-partner kaya kawawa raw ang mapapakasalan nito balang araw.
Tugon ni Pokwang sa netizen (published as is), "hindi po kmi kasal so hindi ko sya husband hahahahaha takot yan sa responsibilidad kawawa pakakasalan nyan."

POKWANG ON CRITICIZING HER EX-PARTNER
May ibang nagpayo kay Pokwang na tigilan na ang pagbatikos kay Lee.
Sa halip na maging bitter, dapat daw ipagpasalamat ng komedyana na nakilala niya si Lee dahil nagkaroon sila ng magandang anak.
Mahabang komento ng netizen (published as is), “@itspokwang27 you should be thankful that you met him instead of being bitter.
"Because of him you would bot have a beautiful daughter, kung iba pa yung na meet mo baka hindi kasing ganda ang anak mo.
"Count your blessings instead of being hateful. Move on and be thankful of what you have!!!
"You are going to hate me but the more you talked, the more it shows your true character!!!"

Dinepensahan ni Pokwang ang sarili.
Katuwiran niya, madali lang daw sabihing huwag maging bitter dahil hindi alam ng netizen ang buong katotohanan.
Marami raw siyang naipuhunan kay Lee “mentally at financially.”
Paliwanag ni Pokwang (published as is): "madali sa inyo sabihin yan kasi hindi sa inyo nangyare tanga!
"at ipagdasal mo wag naman sana kayong lokohin at abusuhin gaga!
"mentaly at financialy ang na invest ko sa kanya kaya ganito gagang to! wala kayong alam! kung isama ko kayo sa demanda para maunawaan nyo?”

Ipinunto ni Pokwang na karapatan niya ang ipinaglalaban niya.
Dagdag pa niya, “ano ang thankful na ako nagbayad lahat magmula sa prenatal checkup, vitamins at panganganak ko ako lahat?????”

May iba pang netizen na sinagot si Pokwang, pero burado na ang post.
Isiniwalat ni Pokwang na bukod sa "batugan" daw si Lee, hindi raw nito gusto ang pagbubuntis noon ni Pokwang sa kanilang anak.
Saad niya (published as is), “hindi magiging masaya ang anak namin kapag nalaman nya batugan at ayaw sa kanya ng tatay nya na nagalit nang nalaman na buntis ako! tapos ang kwento mga tanga!”

Hindi rin daw siya minahal nito at tinawag pang "user" si Lee.
Aniya, “Oo di nya talaga ako minahal kasi nga USER!!!! Tanga!”

POKWANG AND LEE O'BRIAN'S BAD BREAKUP
Nitong mga nakalipas na mga linggo, isiniwalat ni Pokwang na meron nang ibang babae si Lee.
Read: Pokwang drops bomb about ex-partner Lee O’Brian: “May nilalandi na sya.”
Biro pa niya, sana ay hindi "chaka," na ibig sabihin ay mas pangit sa kanya ang ipinalit ng dating boyfriend.
Read: Pokwang takes swipe at Lee O'Brian's new relationship: "Akala ko ba ako na ang chaka?”
Inamin din ni Pokwang na halos anim na taon niyang pinapalamon sa bahay niya ang dating karelasyon.
Taliwas ito sa sinabi niya noong July 20, 2022, sa panayam ng 24 Oras, na hindi pera ang pinag-awayan nila. "Nasasaktan lang ako dun sa mga nababasa ko, kesyo palamunin ko raw. Masipag po iyong tao."
Read: Pokwang on ex-partner Lee O’Brian: “Anim na taon ko na pala siya palamunin.”
November 2021 pa hiwalay sina Pokwang at Lee. Pero July 2022 lang ito naisapubliko.
Read: Pokwang breaks silence on breakup with Lee O'Brian
Noon namang Pebrero 2023, sa panayam ni Boy Abunda sa GMA-7, ibinunyag ni Pokwang ang isa pang pinanggalingan ng hidwaan nila ni Lee. Kinumusta ng komedyante si Lee tungkol sa isang negosyong itinayo nila mula sa puhunan ni Pokwang.
Hindi raw nagustuhan ni Lee ang pagtatanong sa kanya. "Parang ang dating sa kanya," ayon kay Pokwang, "hinuhusgahan ko na siya agad. Parang tinanggalan niya ako ng karapatan na malaman."
Read: Pokwang on ex-partner Lee O'Brian: "Feeling ko, hindi niya ako minahal talaga."
Nitong mga nakaraang araw, tinawag pa niyang “inggrato” si Lee at nais na niya itong maglaho sa Pilipinas.
Read: Pokwang fumes at ex-partner Lee O’Brian; calls him "ingrato"
