Triggered na naman ang Kapuso comedienne na si Pokwang.
Sa kanyang Instagram kahapon, May 15, 2023, nagbahagi si Pokwang ng video ng mga regalong damit ng mga tagahanga niya at ng anak na si Malia O’Brian mula sa ibang bansa.
Pasaring pa ni Pokwang, mabuti raw ang ibang tao ay naaalala si Malia.
Malaking kabalintunaan daw ito na may mga kamag-anak si Malia sa Amerika, pero hindi man lang daw nila ito naaalala.
Wala mang pangalang binanggit si Pokwang, batid ng publiko na ang tinutukoy niya ay ang mga magulang ng American ex-partner niyang si Lee O'Brian na sina Bill at Marilyn O'Brian.
Buong mensahe ni Pokwang, “thank you sa mga hindi naman kadugo ni Malia pero lagi sya naaalala kahit sa maliit na bagay [heart, praying hands emojis] mga friends and followers sa ibang bansa UK, UAE at sa USA.
“How ironic may kamag anak sya doon ni minsan kahit lampin at bigkis bago ako manganak till now waley haahahahhaa iba din ano?”
View this post on Instagram
Ilang netizens ang nagkomento na nakaka-relate umano sila kay Pokwang.
Sabi ng isang netizen, “Nakakarelate ako. Katibay ng dibdib ng mga ganyan lalaki at pamilya. Kaya doble doble ang sikap ng mga sigle mother like us. Pero nakakaproud bilang babae na kayanin ang lahat para sa anak.”
Ayon kay Pokwang, kaya naman niyang ibili ang anak pero iba pa din daw yung naaalala man lang si Malia kahit maliit man lang na bagay.
Aniya, “kaya ko naman ibili ng gamit mga anak ko pero kasi yung thought na alam mong may kamag anak sya doon at sabik na bilhan sya ng kahit maliit na bagay sa pag welcome sa kanya sa earth”

"Napaiyak" naman daw ang isang netizen sa post ni Pokwang.
Ayon dito, “napaiyak mo ako dito. kahit bigkis wala, pero may pang cheers and tables.. Malia is loved by genuine people and deserves to be loved”
Pagsisiwalat ni Pokwang, wala umano siyang maalalang ibinigay ng mga magulang ni Lee kay Malia. At kapag nasa Amerika naman ang anak ay madalas daw na si Pokwang pa ang gumagastos ng pamasahe nito.
Aniya, “sa pagkakaalala ko talaga wala since bago ako manganak at ngayon na malaki na sya hahahaha kapag nasa US si Malia na madalas ako pa nagbabayad ng pamasahe bawas sa tf ko kapag may show ako sa US doon lang mga ilang piraso hahahhaa”

Sinagot din ni Pokwang ang iba pang netizens.
Payo ng isa, “hello miss pokwang!!! Be happy na Lang Po.. stop being so negative thank you just a little advice”
Sabi ni Pokwang, “sabihin mo kay Lee stop being narcissistic at pa victim tapos alis na sya sa pinas para happy na kami ni Malia for life.”

Saad ng isa pa, “Bka wlang wla Ang family don ni lee, how sad nman”
Sagot ni Pokwang, “nope may kaya sila kahit papano.”

Nagkuwento naman ang isa ng kaparehong karanasan niya kay Pokwang.
Lahad ng netizen, "I feel you po. May ganyan po talagang kamag anak. Been there. Tapos parang nakikipag kumpetensya pa sa apo. Sasabihin na mahal nila yung bata hindi naman makita kung saang banda nila mahal.. Mahal lang kapag nakakapag bigay ang magulang nung bata pero kapag hindi, who u saknila ang bata.. Pero kapag times na kelangan sila ng bata, hindi na sila mahagilap."
Sabi ni Pokwang, hindi nag-e-effort ang mga magulang ni Lee na kausapin si Malia.
"ni wala nga nag e effort ni isa na makausap ang apo nila e pagbibigyan ko naman hahahaha dedma sila pwes mas dedma ako sakanila hahahhaha"

Gayundin ang mensaheng nais ipaabot ni Pokwang sa kanyang Instagram Story.
Sabi niya sa unang post: "Buti pa ibang tao, mahal si @malia_obrian, yung lolo at lola kahit minsan wala man lang pa-package... Tapos mahal daw nila apo nila? Saan?"

Sabi naman niya sa isa pa, "More package for @malia_obrian from our friend and avid follower from UK buti pa sila naiisip lagi si Tisay"

Mensahe ni Pokwang sa huli niyang post: "For malia_obrian from avid follower and friends sa UAE. Thank you my love. Yung mga kadugo nya sa tates walis kahit lampin bago ako manganak man lang dati till now kaloka"

POKWANG AND LEE BREAKUP
Halos dalawang taon nang hiwalay sina Pokwang at Lee. Pero noon lamang July 2022 ito naisapubliko.
Read: Pokwang on ex-partner Lee O'Brian: "Feeling ko, hindi niya ako minahal talaga."
February 2022 nang ilantad ni Pokwang na may ibang babae na si Lee.
Read: Pokwang takes swipe at Lee O'Brian's new relationship: "Akala ko ba ako na ang chaka?”
Read: Pokwang drops bomb about ex-partner Lee O’Brian: “May nilalandi na sya.”
Mula noon ay makailang beses pinatutsadahan ni Pokwang ang ex-partner sa sobrang sama ng loob sa breakup nila at sa kawalan nito ng pinansiyal na suporta sa kanilang anak na si Malia O'Brian.
Read: Pokwang on ex-partner Lee O’Brian: “Anim na taon ko na pala siya palamunin.”
Noong March 2, 2023, sinabi ni Pokwang na inaayos na niya ang mga legal na papeles para tanggalin ang apelyido ni Malia na "O'Brian" at isunod na ito sa kanyang surname na "Subong."
Read: Pokwang reveals she wants to change daughter's surname; calls ex-partner Lee O’Brian "user"
Sa huling ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ay tila may balak na ituloy ni Pokwang ang pagsasampa ng kaso sa kanyang dating partner.
Ito'y matapos niyang i-post sa Instagram ang kuhang litrato nila ng makipagkita siya sa abogadong si Atty. Ralph Calinisan, ang nobyo ng sexy actress na si Dawn Chang.
Read: Pokwang posts photo with lawyer; is she taking legal action against Lee O'Brian?
Noong April 29, may bago muling parunggit si Pokwang kay Lee.
Read: Pokwang not done yet with ex-partner Lee O’Brian: “Wag magpapatalo sa dayo.”
At noong nakaraang May 8 lamang, tinawag naman ni Pokwang na mga “animal” ang mga walang magawa sa buhay na nakabantay sa bawat post niya sa Instagram.
Read: Pokwang calls naysayers of her posts “mga animal nayan”
Noong nakaraang linggo, muling tinawag na user ni Pokwang si Lee matapos itong maglabas ng kanyang pahayag ukol sa kanilang hiwalayan.
Read: Lee O'Brian, binasag na ang katahimikan tungkol sa isyu nila ni Pokwang
Ayon sa Kapuso host, "The design is very plastic and narcissistic hahhahahaha pagmumukhain akong masama. USER TAMA NA HOY!”
