Para kay Sheryl Cruz, ang pinakamagandang Mother’s Day gift na natanggap niya ay ang malaman na magtatapos sa kolehiyo ang kanyang anak bilang summa cum laude ngayong May 2023.
Last May 14, nag-post ang aktres sa kanyang official Instagram account ng screenshot ng video call nila ni Ashley.

Read also: Sheryl Cruz, daughter Ashley pay tribute to Susan Roces
Aniya sa kanyang caption na ginawa niyang hashtags, “Best Mother’s Day gift I’ve ever had.
“Learning that Ashley is graduating a summa cum laude this May 2023.
“So proud and blessed to have you, Anak.”
May kalakip din na bilog na emblem ang kanyang post na may nakasulat na Summa Cum Laude Class of 2023, at quote na, “She believed she could so she did."

Read also: Sheryl Cruz reacts to Jeric Gonzales’ love life; calls him an acquaintance
Si Ashley ay anak ni Sheryl sa kanyang ex-husband na si Norman Bustos.
Sa panayam kay Sheryl ng GMA Network, nakahanda umano siyang suportahan si Ashley na magtatapos ng kursong psychology.
Aniya, "Sa araw ng birthday niya, doon siya pararangalan, so, I'm very excited for her and I'm very proud of her because efforts niya lahat ito.
“Kalahati lang ako na nagbigay ng shares sa kung ano man ang meron siya ngayon, and kalahati no'n sa family naman ng tatay niya.
Read also: Sheryl Cruz: "Hindi ako loveless...Honestly, ang daming nanliligaw"
“I'm very proud of her and very grateful kasi kahit na malayo kami sa isa't isa, hindi nasayang yung effort.”
Kasalukuyang naninirahan si Ashley sa ama na nasa California.
Nagpaabot naman ng pagbati sa mga-ina ang mga kapwa-celebrity ng aktres kabilang sina Jennifer Sevilla, Tina Paner at Geneva Cruz.
Read also: 7 hot kissing scenes in teleseryes
