(UPDATED) 2 Good 2 Be True vs Maria Clara at Ibarra lead stars at Seoul International Drama Awards

Who will be the country's winner?
by Khryzztine Joy Baylon
May 23, 2023
Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Barbie Forteza, Dennis Trillo, Julie Anne San Jose
(L-R) Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Barbie Forteza, Dennis Trillo, Julie Anne San Jose: Who will ll be the country's Outstanding Asian Star at Seoul International Drama Awards?
PHOTO/S: Instagram

Nominado sa kategoryang Outstanding Asian Star para sa Seoul International Drama Awards 2023 (SDA) ang prime-time stars ng sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Barbie Forteza, Dennis Trillo, at Julie Anne San Jose.

Sina Daniel at Kathryn ang naging bida sa Kapamilya series na 2 Good 2 Be True, habang sina Barbie, Dennis, at Julie Anne naman ang bida sa Kapuse series na Maria Clara at Ibarra.

Isa sa kanila ang tatanghaling winner sa kategorya.

Ang naunang ulat ay si Kathryn ang tanging nominee mula sa Pilipinas, base sa press release na in-upload sa website ng Seoul Drama Org noong May 22, 2023.

Pero isang email ang ipinadala ng organizers para linawing kasama rin sa nominees sina Dennis, Barbie, Julie, at Daniel.

"The actors/actresses mentioned in our press release are just part of them."

Kabilang sa mga binanggit ay ang mga South Korean superstars na sina Song Joong Ki (Reborn Rich), Song Hye Kyo (The Glory), Park Eun Bin (Extraordinary Attorney Woo), Lee Je Hoon (Taxi Driver), at Yoon Ah (Big Mouth).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa bansang China, kabilang sa nominado si Dylan Wang, ang gumanap na Dao Ming Si sa 2018 drama series na Meteor Garden, at ang Love Between Fairy and Devil star na si Yu Shuxin.

Sa Thailand, nominado ang actor/singer/songwriter na si Nichkhun ng 2PM; sa Japan, sina Tsuyoshi Kusanagi at Kento Yamazaki; at sa Taiwan, si Vivian Sung.

Paglilinaw pa ng organizer (published as is), "Celebrities compete only with actors from the same country. For example, Kathryn competes with Dennis, Barbie, Julie and Daniel. She will not compete with Song Hye Kyo etc.

"But still, Filipinos can vote for celebrities from other countries including Philippines.”

Ang pagpili sa mananalo sa bawat bansa ay idadaan sa fan votes through the Idol Champ app simula June 15.

Noong 2022 Seoul International Drama Awards, kinilala si Belle Mariano bilang Philippine winner sa Outstanding Asian Star 2022.

Read: Belle Mariano wins Outstanding Asian Star Prize at Seoul International Drama Awards

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Si Belle ang unang Filipino actress na nakapag-uwi ng award sa Seoul International Drama Awards, matapos manalo ng Kapuso actors na sina Dingdong Dantes noong 2020, Alden Richards noong 2019, at Dennis Trillo noong 2016.

Read: Dingdong Dantes, nagkamit ng Asian Star Prize sa 15th Seoul International Drama Awards

Ia-anunsiyo ang mga winners sa bawat bansa sa 2023 Seoul International Drama Awards na gaganapin sa September 21, 2023, sa Seoul, South Korea.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(L-R) Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Barbie Forteza, Dennis Trillo, Julie Anne San Jose: Who will ll be the country's Outstanding Asian Star at Seoul International Drama Awards?
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results