PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Julian's Response to Doubters

“I hope ma-stop na po yung false remarks about sa akin."
by Bernie V. Franco
Published May 24, 2023
Julian Martir
“Kahit na i-email mo pa sila paulit-ulit, they will give you the same response," says Julian Martir, 20, who has been accused of lying about getting admission and scholarship offers from 30 universities in the US and the UK.
PHOTO/S: Facebook / YouTube (One PH)

Naninindigan si Julian Martir, 20, taga-Bacolod City, na totoo ang kanyang deklarasyong nabigyan siya ng admission sa 30 universities abroad na may kasamang scholarship offers.

Hangad din ng binata na matigil na ang bashing at paratang na “scam” at “fake” ang kanyang claims.

“I hope ma-stop na po yung false remarks about sa akin na hindi po totoo,” pahayag ni Julian.

“Ang masasabi ko talaga, totoo po talaga yung 30 universities na in-applayan ko po.

“Kahit na i-email mo pa sila paulit-ulit, they will give you the same response, na ni-review talaga ang application ko po with scholarship,” ani Julian sa exclusive interview ni Von Belinario ng News5 nitong May 22, 2023.

Related articles:

Habang ini-interview si Julian via Zoom, ipinapakita rin ang screenshots ng emails ng iba-ibang unibersidad abroad na nag-i-inform sa kanya ng admission at scholarships.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mababasa ang congratulatory emails ng The University of Arizona, Drexel University, DePaul University, Clarkson University, Webster University, NJIT University, at may dalawa pa.

Kung susuriin ding mabuti ang screenshots, naka-indicate din sa ilang letters ang scholarship offers sa binata.

Mababasa rin na ang ibang admission letters ni Julian ay natanggap niya late last year pa.

Kamakailan ay nag-viral si Julian matapos i-post sa Facebook na nakapasa siya sa 30 universities sa U.S. at U.K. at may $1.9 million (PHP104 million) total worth ng scholarships.

Na-interview si Julian ng major TV news programs at digital media outlets.

Pero pinutakti ng kritiko at bashers si Julian. Kinuwestiyon at inakusahang kasinungalingan at fake news ang kanyang claims.

Na-bash din ang media dahil sa “lame journalism” at napaikot daw ang mga ito ng false claims ng binata.

Maging ang alma mater ni Julian na Negros Occidental Senior High (NOHS) ay nagpa-interview sa media, at sinabing hindi nito ma-verify ang claims ng dating student.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito rin ang parehong pahayag ng NOHS nang ma-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa tawag nitong Mayo 22, 2023.

Pero wala namang sinabi si NOHS Assistant Principal Donna Bella Atogasa na fake ang claims ni Julian. Ang sinabi niya ay wala silang pruweba.

Sa updated report ng PEP.ph, binanggit nitong nakumpirma ng PhilSTAR Life na walong universities ang nag-confirm sa admissions ni Julian; apat ang nag-confirm na may scholarship offers siya; at dalawa ang nag-decline mag-verify dahil sa privacy issues.

JULIAN’S INTERVIEW

Sa recent Zoom interview ni Julian sa TV5, sinabi nitong nauunawaan niya kung bakit kinukuwestiyon ang claims niya.

May mga nangatuwiran kasi kung bakit hindi iniabot ni Julian ang admission letters sa kanyang alma mater para mapatunayang legit ang claims niya.

Sabi ni Julian, karamihan sa mga admission letters na ito ay ipinadala via email.

May unibersidad din daw na nagpadala sa kanya ng snail mail.

“[Y]ung university of Arizona, sinendan ako ng physical copies talaga, legit talaga, na binigyan talaga ako ng copies.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“But some universities did not send me pa here sa Philippines,” sabi ng binata.

Idiniin din ni Julian na nagpakatotoo siya sa kanyang application essays sa mga universities abroad.

“Sinabi ko talaga true identity ko po, about family, about my dad…”

Sa isang previous interview ay sinabi ni Julian na nag-apply siya sa 40 universities abroad.

“In-email talaga ako na may status update po about sa applications ko po, maipapakita ko po talaga, clear updates po… PDF files,” sabi niya sa mga nakuhang admissions at scholarship offers.

Inamin ni Justin na apektado ang kanyang pamilya sa matinding bashing na nakuha niya.

“I hope yung mga estudyante po stop saying things mga vicious comments about me, kasi you guys don’t know about me talaga, kung ano yung pinagdaanan ko po, and yung pinagdaanan ng ibang estudyante na na-bully din po.”

Nagbigay rin ng update si Julian sa napipisil niyang unibersidad, ang Connnecticut College, kung saan sana siya kukuha ng double major sa math at computer science.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa waiting list si Julian, pero nag-update siyang na-reject na siya ng school.

Nagsumite naman ng panibagong application si Julian sa isang university sa Australia—ang kanyang second choice—at umaasang makakapasa siya.

Bilang panghuli, muling iginiit ni Julian na hindi siya nagsisinungaling sa kanyang sinabing may admission at scholarship offers siya sa 30 universities abroad.

“In-email talaga ako nila through emails po na meron akong status update po regarding to my application.”

Sinabi ni Julian na sa websites ng mga universities na ito ay may portal at nabigyan ng passcode para makita ang kanyang application status.

“And after viewing my status update po, na-accept talaga ako with scholarship na po.

"And may financial package na po binigay nila sa akin po, and dinowload ko po yung PDF file po, kasi po yung ang ginagawa ko po, dina-dowload ko po yung PDF file po once you got accepted.”

Ito raw ang mga pinanghahawakan niyang katibayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Julian, hindi niya kukumbinsihin ang mga bashers na ayaw maniwala.

Binanggit din niya ang matinding epekto ng “echo chamber,” kung saan nakukumbinsi ang netizens na tama ang iniisip nila kung ayon ito sa nababasa nilang ibang comments.

Ang pagtutuunan daw ngayon ni Julian ay maging “better version of myself as a student and as human being…”

Samantala, sa News5 report ay sinabi ni NOHS Assistant Principal Atogasa na may natanggap silang verification sa isang unibersidad na may admission dito si Julian.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Kahit na i-email mo pa sila paulit-ulit, they will give you the same response," says Julian Martir, 20, who has been accused of lying about getting admission and scholarship offers from 30 universities in the US and the UK.
PHOTO/S: Facebook / YouTube (One PH)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results