Mariing itinanggi ng singer-songwriter na si Moira dela Torre na nagkabalikan sila ng estranged husband niyang si Jason Hernandez.
Ito'y matapos pag-usapan sa social media ang misteryosong post ni Jason sa Instagram.
Read: Jason Hernandez back to Instagram months after breakup with wife Moira dela Torre
Nitong Huwebes, May 11, 2023, nag-post si Jason sa kanyang Instagram Story ng larawan niya na may kasamang babae.
Makikita ang babaeng nakasuot ng sumbrero at itim na sleeveless at nakayakap sa likuran ng singer, habang siya'y nakangiti. Tila kuha ang larawan sa isang disyerto na kahalintulad ng makikita sa Grand Canyon, sa Arizona, USA.
Hindi maaninag ang mukha ng babae dahil natatakpan ito ng suot niyang sumbrero.

Dahil dito, kanya-kanyang hula ang netizens kung sino ang misteryosang babae na ngayon ay nagpapangiti at nagpapasaya kay Jason.
Read: Jason Hernandez, simple at tahimik ang pamumuhay sa El Nido, Palawan
Ayon sa ilan, si Moira ang babaeng nasa larawan at indikasyon ito ng pagbabalikan nila ni Jason.
Bukod daw kasi sa kasing-katawan ni Moira ang babae sa post, nagpatibay rin sa suspetsa ng netizens ang singsing na suot ng mystery girl sa post ni Jason.
May pagkakatulad daw kasi ito sa singsing na madalas isuot ni Moira.

MOIRA REACTs
Agad namang pinabulaanan ng "Paubaya" singer ang haka-haka ng netizens.
Isang fan ni Moira ang naglakas-loob na magtanong kung siya ang mystery girl sa post ni Jason.
Diretsahang tanong ng netizen kay Moira, "[I]kaw ba yung kasama ni Jason sa myday niya? Ayeeeeeh...sanaol my comeback."
Mabilis at tipid na reply sa kanya ni Moira, "Hindi po."

Lumalabas na may natagpuang bagong pag-ibig si Jason, pero hindi malinaw kung sino ito at kung saan sila nagkakilala.
Hindi naman nagdetalye si Moira kung ano ang pahayag niyang may kapalit na siya sa puso ng estranged husband.
Huling nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jason sa presscon ng Kapuso prime-time series na The Write One noong March 11.
Dito sinabi ni Jason na sa El Nido, Palawan siya namamalagi mula noong August 2022, at masaya siya dahil marami siyang nakilalang bagong mga kaibigan.
Read: Jason Hernandez, simple at tahimik ang pamumuhay sa El Nido, Palawan
MOIRA AND JASON'S BREAKUP
Matatandaang noong May 31, 2022, ipinaalam nina Moira at Jason, via joint statement, na hiwalay na sila matapos nilang ikasal noong 2019.
Read: Jason Hernandez announces split with wife Moira dela Torre: “I have been unfaithful to her.”
Dito inamin ni Jason na hindi siya naging tapat sa pagsasama nila ni Moira kung kaya't nauwi sa hiwalayan ang kanilang pagsasama.
Read: Moira dela Torre and Jason Hernandez: From hopes of forever to heartbreak
Sa panayam ni Moira sa entertainment reporter na si MJ Felipe ng TV Patrol noong November 25, 2022, inamin niyang kasisimula pa lang ng taong 2022 nang kutuban siya sa ginagawang mali ni Jason.
Read: Moira dela Torre on breakup with husband Jason Hernandez: “Saan ba ako nagkulang?”
"I think when the year started pa lang, I was getting this weird feeling that I was about to enter into a new season and I didn't know what it was.
"It's been a long time coming and I think my heart was prepared for it," aniya.
Read: Moira dela Torre "just healed" six months after split with estranged husband Jason Hernandez
