PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lolito Go's Chat with Moira's Parents

Lolito Go: "We sometimes have to wage war to achieve peace."
by Arniel C. Serato
Published May 30, 2023
Lolito Go, Moira dela Torre parents "end" spat
Songwriter Lolito Go (left, with Moira dela Torre) on "heartfelt, tearful talk" with Moira's parents Raquel and John dela Torre (not in photo): "Maraming bagay ang nalinaw. Lumuwag ang mga puso namin. Sana magpatuloy na lang yung ganitong peace. Nasabi ko na rin sa kanila ang mga bagay na hindi ko mabanggit sa social media.”
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Tila naayos na agad ang namumuong sigalot sa pagitan ng songwriter na si Lolito Go at sa mga magulang ng singer-songwriter na si Moira dela Torre na sina Raquel at John dela Torre.

Sa update ni Lolito sa kanyang Facebook post para kay Raquel ngayong Martes, May 30, 2023, ibinahagi nitong matapos niyang i-post ang kanyang sagot sa ina ni Moira ay nagkausap kaagad sila.

Sa kanilang pag-uusap ay marami raw mga bagay ang nabigyang-linaw, at lumuwag ang kanilang mga puso.

Nasabi na rin daw ni Lolito sa mga magulang ni Moira ang mga bagay na hindi niya mailabas sa social media.

Lahad ni Lolito, “Right after writing this, I had a heartfelt, tearful talk with Tita Raquel and Tito John.

“Maraming bagay ang nalinaw. Lumuwag ang mga puso namin.

"Sana magpatuloy na lang yung ganitong peace. Nasabi ko na rin sa kanila ang mga bagay na hindi ko mabanggit sa social media.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa niya, parang ginagabayan sila ng Panginoon habang nag-uusap.

Pero pinaninindigan daw ni Lolito ang una niyang post.

Paminsan-minsan daw ay kailangan munang makipaggiyera upang makamit ang kapayapaan.

Saad ng songwriter, “Moira's parents are indeed people of God. God was in the middle of us during the talk.

“Uulitin ko ang sinabi ko sa original post at paninindigan ko ito, we sometimes need dissonance to achieve harmony.

“We sometimes have to wage war to achieve peace. I needed to call out what needs to be called out.”

Umaasa si Lolito na matatapos na ang sigalot na ito dahil ang mga “marites” lamang daw ang nag-e-enjoy sa kanilang sagutan.

Napagkasunduan daw nila ng mga magulang ni Moira na ayusin ang kanilang gusot sa pribadong paraan.

Ani Lolito, “Sana matapos na ito dahil mga marites lang naman ang nag-eenjoy.

“We will settle things privately. At alam kong makakamove-on din tayong lahat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lolito Go, Moira's parents end spat

THE LONG FACEBOOK POST

Linggo, May 28, 2023, isang mahabang post ang ibinahagi ni Lolito sa kanyang Facebook account kung saan idinetalye nito ang mga umano'y hindi magandang karanasan niya kay Moira.

Mabigat ang mga paratang ni Lolito kay Moira: pagsisinungaling, pambobola, pangangaliwa, at ghostwriting.

Ngunit malinaw sa post ni Lolito na gusto niyang ipagtanggol ang estranged husband ni Moira na si Jason Hernandez kaugnay ng mga maling akusasyon umano laban dito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Direktang inakusahan ni Lolito si Moira ng pagiging sinungaling na posibleng epekto umano ng mga gamot na iniinom nito dahil sa kanyang medical conditions.

Naghimutok din si Lolito tungkol sa mga pakiusap niyang hindi umano pinagbigyan ni Moira, gayong pag ang singer-songwriter daw ang may kailangan ay pinagbibigyan niya ito.

Pagkatapos nito ay isiniwalat ni Lolito ang mga nalalaman niya umano tungkol sa hiwalayan nina Moira at Jason.

Matagal na raw niyang nais magsulat ukol kay Moira, pero pinigilan daw siya ni Jason.

Sa istoryang ito, si Moira ang "oppressor" at si Jason ang biktima.

Sinabi rin ni Lolito na sa hiwalayang Moira at Jason, "walang third party" sa parte ni Jason.

Ang tanging kasalanan lang daw ni Jason ay nagpadala ito sa tawag ng laman dahil hindi umano maibigay ni Moira ang mga pangangalailangan niya bilang lalake.

Bago pa man daw umamin si Jason sa kanyang kasalanan, nais na raw kumawala ni Moira sa pagsasama nila dahil nakahanap na umano ito ng kapalit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Lolito, “And even before Jason confessed to his sin, Moira already wanted out.

"Dahil nakahanap na rin sya ng pamalit. Someone who will 'dance in the rain' with her and call her 'binibini'. I'll leave it to you to guess sino ang tinutukoy ko.”

Read: Songwriter Lolito Go unleashes a mouthful vs Moira dela Torre; defends Jason Hernandez

Sa official statement na inilabas noon nina Jason at Moira kaugnay ng desisyon nilang tapusin na ang kanilang pagsasama, inamin ni Jason na hindi siya naging faithful sa relasyon nila ng asawa.

Read: Jason Hernandez announces split with wife Moira dela Torre: “I have been unfaithful to her.”

MOIRA’S FRIEND DEFENDS SINGER-SONGWRITER

Matapos mag-viral ang post ng songwriter na si Lolito laban sa singer-composer na si Moira, naglabas din ng pahayag sa Facebook ang kaibigan ng singer-musician na si Jeff Vadillo.

Si Jeff, base sa kanyang Facebook profile, ay vice president ng Cornerstone Enntertainment Inc., ang namamahala ng karera ni Moira.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Lolito ay composer ng ilang kanta kung saan naka-collaborate nito si Moira.

Hindi raw niya palalampasin ang mga paratang ni Lolito laban kay Moira, pati na ang mga trabahong nagawa ng singer katuwang ang estranged husband nitong si Jason.

Bahagi ng post ni Jeff, “I have known Moira for almost 2 Decades. She has been our artist and more than that a Sister to me.

“There is this FB Post currently circulating that’s casting shade on her integrity as an artist and songwriter.

"As a witness to her hard work and genuine talent, I cannot take this sitting down.

“This person claimed a “FUN FACT” (which is really not fun at all) that 95% of Moira’s hits were composed by Jason Marvin.

"Paubaya, Ikaw at Ako, Pabilin, EDSA, Patawad, Kumpas, Babalik Sayo, Saglit, and the list goes on. Then he added the question kung sino ang manggagamit?

“That statement is grossly inaccurate. Paubaya and Edsa were both composed by Jason (this is public knowledge).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Actually Moira also helped In Paubaya), the other songs Ikaw at Ako, Pabilin, Patawad, Kumpas, Babalik Sayo, Patawad, Kumpas were composed by both by Moira and Jason (Moira even gave a bigger contribution to some of those songs).

"So as far as these songs are concerned, walang gamitan. Tawag diyan collaboration.”

Dagdag pa ni Jeff, ang pakikipag-collaborate ni Moira ay hindi nangangahulugang hindi na ito magaling na kompositor.

Kilalang-kilala raw niya si Moira kaya wala raw katotohanang nangangailangan ito ng ghostwriter, taliwas sa akusasyon ni Lolito.

Bahagi ng pahayag ni Jeff, “Stop invalidating the work of a hardworking woman. She does not deserve this.”

Read: Cornerstone vice president defends Moira dela Torre against songwriter’s allegations

Sinsagot din naman ito ni Lolito.

Read: Songwriter Lolito Go responds to statement of Moira dela Torre's camp

MOIRA ISSUES STATEMENT

Mariin namang pinabulaanan ni Moira ang ilang alegasyon ni Lolito.

Ngayong Martes din, isang pahayag ang inilabas ni Moira sa pamamagitan ng kanyang social media accounts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa singer-performer, hindi niya akalaing darating ang panahong kailangan niyang ipagtanggol ang pakikipaghiwalay sa estranged husband na si Jason.

Hindi raw niya inakalang pati ang estado ng kanyang mental health ay pinupuna ng iba.

Nakakadismaya rin daw na tila kinukuwestiyon ang kanyang halaga bilang kompositor at mang-aawit.

Ilan sa mga punto ng rebelasyon ni Lolito ay ang tungkol sa pag-uusap daw nila ni Moira noon upang kunin siyang ghostwriter.

Sabi ni Lolito, “She even asked me kung magkano price ko for ghostwriting for her last year noong nagkakalabuan na sila ni Jason.

“When I told her my price, tinawaran nya ako for 20k per month. I felt so insulted. But I just kept that to myself."

Mariing pinabulaanan ito ni Moira.

Marami raw siyang collaborations sa ilang "talented artists."

Ani Moira, “I want to set things straight once and for all. Let me be clear: I have never employed a ghostwriter.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinabulaanan din niya ang alegasyon tungkol sa cheating.

Sa post kasi ni Lolito, tila may pahiwatig siyang si Moira ang unang nagloko sa relasyon nila ni Jason.

Sabi ni Lolito, “And even before Jason confessed to his sin, Moira already wanted out.

"Dahil nakahanap na rin sya ng pamalit. Someone who will 'dance in the rain' with her and call her 'binibini'. I'll leave it to you to guess sino ang tinutukoy ko.”

Kontra naman ni Moira, “I did not cheat on Jason.

"It is unfair that I find myself in a position where I have to defend my name and even explain why I did not deserve to be cheated on.”

Read: Moira dela Torre denies ghostwriting, cheating allegations

MOIRA’S MOM REACTS TO LOLITO’S POST

Naglabas ng "resibo" si Lolito tungkol sa kanyang alegasyong ghostwriting laban kay Moira.

Ginawa ito ni Lolito ilang oras matapos maglabas ng opisyal na pahayag si Moira ngayong araw din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kanyang official statement, mariing pinabulaanan ni Moira ang kuwento ni Lolito na inalok niya itong maging “ghostwriter” noong maayos pa ang kanilang pagkakaibigan.

Sabi naman ni Lolito sa kanyang Facebook post, burado na ang personal account ni Moira na gamit niya sa usapan nila noon.

Pero, “truth can never be deactivated.”

Never daw niya sinabing hinire siya bilang “ghostwriter” kundi inalok lamang siya ni Moira.

Saad ni Lolito: “Deactivated na ang account. Wala na yung name. But the truth can never be deactivated.

“P.S. Nowhere in my post did I say a ghostwriter was 'employed.' The operative term I used was 'offered.' Inalok.

“Kasi kung employed ako, may NDA--di ko na sana madidisclose ito.

“Masaya ako sa chat na yan, kasi iniisip ko, kahit di na ako marecognize at least bayad ako.

“More resibos to follow.”

Sa post na ito ni Lolito ay nagkomento ang ina ni Moira na si Raquel. Labis daw itong nasaktan sa mga paratang ni Lolito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa ina ni Moira, si Lolito umano ang nangulit para maging “ghostwriter” dahil nangungutang daw ito ng pera sa kanyang anak.

Hinamon din niya si Lolito na ilabas na nito lahat ang kanyang screenshots ngunit siguraduhin lamang daw nitong hindi ito edited.

Buong komento ni Raquel: “Hi Lolito. Tita Rocky here. Moira's Mom. This breaks my heart because you know that my daughter WAS JUST BEING NICE.

"Ikaw ang kumukulit sa GHOSTWRITER na yan. I-Release mo lahat ng screenshots. I challenge you. Are we sure it’s not edited?

"Because You have been borrowing MONEY from her. Lagi ka nangungutang sakanya. And fact remains, MY DAUGHTER never hired a GHOSTWRITER.

"You are borrowing money, and you are insisting na mag GHOSTWRITER ka. We have the truth. Maawain lang anak ko.”

Read: Songwriter Lolito Go shows “resibo” about “ghostwriter” allegation vs Moira dela Torre; Moira’s mother reacts

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Songwriter Lolito Go (left, with Moira dela Torre) on "heartfelt, tearful talk" with Moira's parents Raquel and John dela Torre (not in photo): "Maraming bagay ang nalinaw. Lumuwag ang mga puso namin. Sana magpatuloy na lang yung ganitong peace. Nasabi ko na rin sa kanila ang mga bagay na hindi ko mabanggit sa social media.”
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results