Tila may halong hugot ang reaksiyon ni Trina Candaza sa engagement ng Kapuso actress na si LJ Reyes sa non-showbiz fiancé nitong si Philip Evangelista.
Read: LJ Reyes now engaged to non-showbiz boyfriend Philip Evangelista
Kaugnay ito ng feedback mula sa netizens na natuwa na makitang masaya na si LJ halos dalawang taon mula nang lubos itong nasaktan sa hiwalayan nila ni Paolo Contis.
Sa kanyang Instagram Story kahapon, May 30, 2023, ni-reshare ni Trina ang post ng book author na si Joena San Diego, isang netizen na masaya para sa good news ni LJ.
A HOPEFUL INSIGHT FROM A NETIZEN
Sa post ni Joena, ibinahagi niya ang isa sa mga engagement photo ni LJ.
Malalim pero puno ng inspirasyon ang kahulugan ng caption ng book author na inilapat sa larawan.
Pangako ni Joena sa kanyang sarili, “One day, this pain will be my testimony.”
Maganda ang naging mensahe ni Joena sa caption ng post.
Patunay daw ang karanasan ni LJ na ang bawat luha ay puwedeng maging "beautiful testimonies" pagdating ng araw.
Sabi pa ni Joena: "I can’t help but to rejoice and weep at the same time seeing this beautiful story unfold. We all witnessed this woman’s pain and brokenness, yet God sees it differently.
"He sees the whole picture. He sees there’s a wonderful testimony ahead. He sees His healing. His story of redemption.
"To those who are hurting, be encouraged. God knows, and He cares about you deeply. His love goes beyond what any man can offer. His promises are true, and His love will never fail.
"If you’re hurting, you’re allowed to take your time. You’re allowed to rest in Jesus. You don’t have the obligation to explain anything to anyone. Let others talk, but listen to the only voice that matters—God."
View this post on Instagram
TRINA AGREES WITH THE NETIZEN'S MUSING
Ini-screenshot ni Trina ang post ni Joena at saka niya ni-repost sa kanyang Instagram Story.

Maaring mai-kunek sa love life ni Trina ang kanyang pagbahagi ng nasabing post.
Tila nabuhayan ng loob si Trina na balang araw ay makahanap din siya ng tamang taong magmamahal sa kanya.
TRINA'S BREAKUP WITH CARLO
Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na labis itong nasaktan sa naging hiwalayan nila ng aktor na si Carlo Aquino.
Sa panayam ni Ogie Diaz sa kanya noong nakaraang Enero 2023, ipinagtapat ni Trina na hiwalay na sila ni Carlo noong December 2021 pa lamang.
Naikubli raw nila ito ng ilang buwan bago tuluyang lumabas sa publiko na hiwalay na nga sila.
Ngunit ayaw raw niyang isapubliko ang dahilan ng hiwalayan nila ni Carlo dahil baka balang araw ay mapanood ng anak nilang Enola Mithi Candaza-Aquino ang panayam.
Inamin din ni Trina na siya ang umalis sa tinitirhan nila noon ni Carlo.
Read: Trina Candaza moves out of Carlo Aquino's home; brings daughter with her
Pag-amin niya, naging “toxic” din siya noon sa kanilang pagsasama, na maaaring isa sa mga dahilan kung bakit tinabangan si Carlo sa kanya.
Saad ni Trina, "I can admit that ang toxic ko that time, but I tried to be positive para sa anak namin."
Hanggang sa dumating na raw sa punto na napagtanto niyang hindi magwu-work ang relasyon nila ni Carlo.
At sa loob ng isang taon, naging single sila pareho.
CARLO AND CHARLIE'S NEWFOUND ROMANCE
Pero si Carlo ay nakahanap na ng bagong dini-date, at umingay ito dahil sa dinner pictures ni Carlo kasama si Charlie Dizon.
Read: Is Charlie Dizon in relationship with Carlo Aquino?
Sa isang panayam, kinumpirma ni Carlo na nagdi-date nga sila ni Charlie ngayon.
Ayon pa rito, very positive outlook ang nakikita niya kay Charlie.
Read: Carlo Aquino confirms dating Charlie Dizon
Ano naman ang masasabi ni Trina tungkol dito?
Sagot niya, “Wala na ako sa posisyon para magsalita about that kasi it’s their relationship.
"And siguro puwede lang ako makapagbigay ng opinion ko kapag ka magiging nanay [stepmom] na siya ni Mithi.”
