Nikki Co full of praise for "very humble" lead star Bong Revilla

Magkasama ang dalawa sa Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis.
by Rommel Gonzales
Jun 10, 2023
Nikki Co
Kasama si Nikki Co sa Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis, kung saan lead star si Bong Revilla (not in photo).
PHOTO/S: @nikkico_ on Instagram

Na-intimidate si Nikki Co, na bahagi ng cast ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis, sa lead star ng serye na si Senator Ramon "Bong" Revilla Jr.

Ang nakangiting kuwento ni Nikki sa solo interview niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Very intimidating nga siya at first. Oo, noong una. Siyempre, si Senator Bong iyan tapos well-known actor.

"So working with Senator Bong, di ba, sa una siyempre parang hindi mo pa alam kung magiging okay ang relationship kasi big star, e."

Pero wala raw ka-ere-ere ang action star.

Dugtong ng newbie, “Sa awa ng Diyos, ang sarap kasi very guiding si Senator Bong.

"Like kung paano pagandahin yung mga eksena, tutulungan ka niya, so parang nagko-collab lang kayo.

“So parang teammates. Hindi mo mapi-feel na parang, ‘Ah mataas ako, sikat ako!’

“Wala! Very humble siya.

“Very ano lang talaga, strong yung personality ni Senator Bong kasi guwapo, tapos malaki ang katawan, tapos siyempre senator rin siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Makikita mo na very masculine ang dating ni Senator. “Pero buti na lang talaga na very welcoming siya so hindi ka na matatakot.

"Even after just one scene with him, ano na, magaan na.

“Saka nagpapatawa rin si Senator, hindi lang si Kuya Niño," na ang tinutukoy niya ay ang co-star na si Niño Muhlach.

Napanood daw ni Nikki ang dalawang pelikulang pinagbasehan ng kanilang bagong GMA-7 action-comedy series: ang Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis, na ipinalabas sa mga sinehan noong 1994, at ang sequel nitong Yes Darling: Walang Matigas Na Pulis 2, na ipinalabas taong 1997.

“Mahilig po kasi ako sa mga lumang pelikula,” ayon pa kay Nikki.

Kaya ganoon na lang ang tuwa niya nang malamang kasali siya sa cast ng bagong serye nina Senator Bong at Beauty Gonzalez?

“Sobrang masaya ako kasi gusto ko ring mapasama sa isang action series or movie, so this is one way of doing it.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Tapos dumaan pa kami sa mga training-training.”

Sa Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis ay gumaganap si Nikki bilang si Dustin, isang estudyanteng nag-aaral maging pulis kaya isa sa mga pinagdaanan niya bago magsimulang mag-taping ay ang target shooting, kabilang ang wasto at ligtas na paggamit ng baril.

Dahil sa mga papuri ni Nikki kay Senator Bong, ang sumunod na tanong sa hunky Sparkle artist ay kung kasama ba sa mga pangarap niya ang maging senador o isang public servant.

“Actually, hindi ko pa siya nakikita. Pero napi-feel ko na meron akong leadership qualities.”

Bakit niya ito nasabi?

“Kapag may mga group works, parang nag-aano ako, e, nag-i-step up ako. Kumbaga parang may initiative ako to start something.

“Parang, ‘Oh, ano ba ang kailangan nating gawin? Parang ito, dito tayo magwu-work the best.’ Parang mga ganun.

"So tingin ko, kaya ko naman siya, pero it’s a calling, e. Hindi mo siya puwedeng pilitin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ngayon pag-aartista ang mahal ko, iyon ang gusto kong gawin.”

Mapalad naman si Nikki bilang artista dahil sunud-sunod ang proyekto niya. Bago ang seris na ito, kasama siya kakatapos lamang umere na Underage.

“Siyempre, sobrang thankful sa GMA, sa tiwala nila sa akin kasi maraming artistang nag-aantay diyan na gustong magkaroon ng trabaho.

“Pero sa tingin ko naman, ginagawa ko yung best ko at na-appreciate nila yung best ko,” pagtatapos ni Nikki.

Bukod kina Senator Bong, Beauty, at Nikki ay nasa cast ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis sina Carmi Martin, Max Collins, Kate Valdez, Kelvin Miranda, Jeric Raval, Maey Bautista, Angel Leighton, at si Raphael Landicho, na napapanood rin sa Voltes V: Legacy.

Ito ay sa direksiyon nina Enzo Williams at Frasco Mortiz.

Napapanood ang series tuwing Linggo, 7:50 ng gabi.

Naganap ang interview kay Nikko sa mediacon ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis noong May 26 sa Seda Hotel sa Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kasama si Nikki Co sa Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis, kung saan lead star si Bong Revilla (not in photo).
PHOTO/S: @nikkico_ on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results