PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jane de Leon's mother gets engaged in Tokyo

Jane to her mother Marie: "Kapag masaya ka Mama, masaya na rin ako."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jun 13, 2023
Jane de Leon's mother gets engaged
Jane de Leon's (rightmost) mother Marie de Leon (with eyeglasses) recently got engaged to her longtime partner, Cesar (in stripes).
PHOTO/S: Jane De Leon Instagram

Labis ang kasiyahan ng Kapamilya actress na si Jane de Leon dahil engaged na muli ang kanyang ina na si Marie de Leon.

Sa Instagram post ni Jane nitong Lunes, June 12, 2023, ibinahagi niya ang ilang litrato ng naging engagement ng kanyang ina sa longtime boyfriend nitong nagngangalang Cesar.

Read: Jane de Leon's mother undergoes surgery after accident

Base sa mga larawang ipinost ni Jane, nangyari ang proposal ni Cesar sa ina ng Kapamilya actress nang magbakasyon sila sa Tokyo, Japan.

Bukod sa kanyang ina at fiancé nito, kasama rin nina Jane ang kapatid niyang si Francis de Leon.

Ayon kay Jane, masaya siya at halos hindi makapaniwalang darating pa ang pagkakataong muling mae-engage ang kanyang ina sa taong nagpapasaya rito.

Taong 2015 nang mabiyuda si Marie nang mamatay ang mister nitong si Rouel Florencio de Leon dahil sa cancer.

Read: Jane de Leon on how Darna changed her life: "Nakaahon po kami, guminhawa po yung buhay namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mababasa sa caption ng Darna star, "Kapag masaya ka mama, masaya na rin ako.

"Grabe yung effort and pagtatago namin para lang maging successful yung proposal hahaha because it was our first time to plan something special.

"Akala namin hindi na mangyayari pero it happened. Still can’t believe this.

"Parang bagets pa rin mama ko. Teenager yarn? Love you mom!"

Hiling din ni Jane sa soon-to-be-stepfather na ingatan at mahalin nito ang kanyang ina.

Mensahe niya, "Happy for the both of you & Tito Cesar please take care of our mom… She’s priceless and irreplaceable."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-post din si Marie sa naganap na proposal sa kanya ng fiancé.

Noong nakaraang buwan pa raw naganap ang proposal ngunit ngayon lamang nila napagdesisyunang isapubliko ito.

Sabi niya sa caption, "LOVE is not just a word, it’s an action. He proposed and I said YES to spending every moment, for a lifetime with him. #engaged #may262023."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Samantala, sa comments section ng post ni Jane ay bumuhos ang mga pagbati mula sa kanyang celebrity friends.

Kabilang sa mga nagkomento sina Elisse Joson, Joj at Jai Agpangan, Lexi Gonzales, Kim Rodriguez, Devon Seron, at Kiara Takahashi.

Jane de Leon's mother gets engaged

READ MORE:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jane de Leon's (rightmost) mother Marie de Leon (with eyeglasses) recently got engaged to her longtime partner, Cesar (in stripes).
PHOTO/S: Jane De Leon Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results