Magkatuwang sina Zsa Zsa Padilla at Conrad Onglao sa pagbuo sa Casa Esperanza, ang second home nila na nasa Barangay Piis, Lucban, Quezon.
Isang architect si Conrad.
Ang kuwento ni Zsa Zsa noong Hunyo 7, 2023, Miyerkules, sa pavilion ng Casa Esperanza, “He would show me sketches. Kasi na-envision niya ito, e.
“Mahilig siya sa rolling property—sa pababa, makikita mo. Kasi pag flat, siyempre parang yun na yun, di ba?
“I think yung depth niya kasi, it gives it more interest, di ba? Parang, ‘Anong meron dun? Anong meron dun?’
“Like pagpasok mo, ang ganda-ganda ng garden. Tapos, maku-curious ka na natatakpan ito, di ba? Itong pavilion ang tawag namin."
May mga dinagdag sa property, pero marami ring hindi na tinanggal.
Sa pagpapatuloy ng singer-actress, “So nung pinakita niya sa akin, siyempre kailangan puro imagination muna. Gubat lang ito, e. Gubat lang talaga!
“Nakikita mo iyang mga African talisay, that’s not endemic here. Tapos, merong mga African tulips, ito, may pula yan na bunga.
“Meron din tayong talisay pero malaki. Paganun, malalaki. Pero lahat ng nandidito, pag pumunta kayo dun, pag nagpunta kayo, ahhh… lahat ng puno dun, hindi ginalaw.
“So, ang tawag namin dun, forest garden. Talagang forest siya. So, untouched. Siya talaga, hindi nagpuputol unless kailangan.
“But of course you know, mini-minimize niya yung pag-cut ng trees. So lahat iyan, unti-unti hanggang…
“Dalawa ang pinagdaanan namin na nag-landscape, hanggang eventually siya na rin ang gumawa.
“Sabi ko nga, ‘Bakit kailangang sabay dun sa construction?’ Sabi niya, ‘E di mangyayari, male-late yung puno. Tapos na ang bahay mo, tapos hindi lush?’
“But the problem with that, yung mga workers minsan hindi sila disiplinado, natatamaan nila yung mga puno so paulit-ulit kami.
“At saka ang isang puno, pag namatay, years… minsan mamamatay, walang puno. Uulitin namin yun!
“Ngayon sanay na sila. Kasi sa Lucban, maulan. Pag sinabi mo, ‘Didiligan niyo!’ Naku, nakaganun lang sila!
“Pero kasi, two months of the year, maaraw. So yun yung talagang kailangang bantayan mo. So meron kaming mga sprinkler na inililipat-lipat.”
READ Zsa Zsa Padilla’s farm is truly a "piece of heaven"
Marso at Abril ang mga buwan na maaraw sa bayan ng Lucban, na nasa paanan ng Bundok Banahaw.
Pagpapatuloy ni Zsa Zsa, “So kailangan din, siyempre pag yung mga tagarito, parang sanay na sila sa methods nila, sanay sila sa ways nila.
“Kailangan tuturuan mo ng panibago. Tapos kaming dalawa, we’re not afraid to really clean, to show them. Kasi hands-on din kami.
“Ako, I don’t mind—tingnan mo ang kamay ko, working hands!”
ZSA ZSA NURTURES HER GREEN THUMB
Malapit lang sa Casa Esperanza ang bukid nila ni Architect Conrad, ang Esperanza Farm.
Farmer na ba talaga ang Divine Diva?! As in Divine Farmer?!
Napangiti si Zsa Zsa, “Hindi pa naman. Kasi, hindi ako makatanim ngayon dun. May mga gamit. Hindi ako makapag-mix ng mga fertilizer ko.
“Si Karylle nga, sasabihin ko, ‘Yeah, I was there. I mixed some fertilizers.’ ‘Oh yeah, mama, you do that, right?’
“Nakakalimutan niya! Bigla siyang nasa-shock, ‘Bakit nagfa-farming yung nanay ko?’”
Anu-ano ang mga naitanim na niya sa bukid? Meron ba siyang mga kalamansi, ampalaya, o patola?
“Actually, may mga existing na dun. Kasi seasonal din lahat-lahat. Like yung field mo, puwedeng puro kamatis. Nangyari na lahat yun.
“Pero once na nag-ani ka, tapos na yun. Ganun talaga. Yung famoso dito na hindi ko alam, ang ibig sabihin pala ng Lucban ay pomelo. Pero hindi na kasintamis.
“Yung technology pala, and yung pinakamagagandang seeds, nailipat nila sa Davao. At yung nandidito, parang naano yata siya… yung istorya na napeste. Kaya hindi na, wala na.
“Galing pala dito sa Lucban yung pomelo ng Davao? Si Tonyboy Floirendo ang nagkuwento sa akin.
“Itinuturo nga niya, yung mga puno niya ng saging, maliit iyung isa, may baby katabi, ganun.”
READ A peek into Gretchen Barretto’s secret garden
Nag-farming lessons si Zsa Zsa sa Costales Nature Farms sa Majayjay, Laguna. Katabing-bayan ng Lucban ang Majayjay.
Doon din daw nag-aral ng farming si Sen. Kiko Pangilinan.
“Unfortunately, nasunog yung Costales farm. May bagyo nun. Kailan ba yun? Parang early this year,” sambit ni Zsa Zsa.
“It was so devastating. Bago natapos ang pandemic, bago sila nag-open… nasunog.”
Dumalaw na si Zsa Zsa sa farm nina Sen. Kiko at Sharon Cuneta sa Alfonso, Cavite. Nakapunta na rin ba siya sa farm ng pinsan niyang si Lorna Tolentino sa General Emilio Aguinaldo, Cavite?
“Never, can you believe? I’ve never been there. Yung mama ko, nakapunta,” pagtatapat ni Zsa Zsa.
“Kasi parang meron silang… kumain sila ng mga kapatid niya.”
ZSA ZSA SETS HIGH STANDARDS FOR MANAGING AIR BNB COTTAGES
Kumusta ang pagiging owner ng bukid at Casa Esperanza, considering na pina-Air Bnb nila ang dalawa sa tatlong cottages?
“OK naman. But it’s really a lot of work. Like ahhh… so today, nakapag-ikot na ako. The first thing we do here, iikot,” lahad ni Zsa Zsa.
“Nagpapalitan kami. Minsan, sabi ko, ako muna ang titingin. Kasi may mga inaayos pa na nipa sa bubong. May mga papalitan.
“So ang method lang namin, pi-picture-an na ganyan, tapos ipapakita mo. Kasi kailangan talaga, bantay ka.
“Because what could be enough dun sa mga tao mo, is not enough for my eyes. Lalo na kay Conrad na mas trained and professional ang mata.
“And we have clients who would notice stuff talaga. They’re so picky, sasabihin talaga nila. ‘O, may stain ang mga silya,’ ganyan-ganyan.
“Some would really just message me privately, you know. Tapos ganun nga. Na-victim din ako ng isang tao na tamad. Isa lang, nalaglag kami talaga.
“Kasi ang Air Bnb, may standard at may review. Hindi niya nalinis yung banyo. I was so apologetic. Talagang… alam yun.”
READ Mylene Dizon, Kyline Alcantara ibinida ang mga pakinabang ng backyard farming
Sobrang hiyang-hiya si Zsa Zsa dahil sa katamaran ng dati niyang tauhan.
“She was super-super lazy. But the ones we have now are really good and dedicated,” salaysay ni Zsa Zsa.
“Kasi ayaw rin nilang napapahiya pag sinabi ko, ‘Uy, yung banyo raw.’ Yung kitchen namin dun, pag nakita mo, open yun. Grabe nilang linisin yun. The maintenance is high.”
Siyanga pala, ngayong 2023 ang ika-40 taon ni Zsa Zsa sa showbiz. Ipagdiriwang niya ito sa pamamagitan ng isang concert sa Nobyembre 11.
