Binalikan ni Zsa Zsa Padilla, 58, ang unang date nila ng partner na si Conrad Onglao, 67.
Sa panayam ni Korina Sanchez kay Zsa Zsa para sa programa nitong Korina Interviews ng Net25, na umere noong Linggo, March 19, 2023, bahagyang natalakay ang pag-iibigan ng singer at ng kanyang fiancé.
Kuwento ni Zsa Zsa, sa unang blind date nila taong 2014, wala siyang naramdamang sparks sa sikat na arkitekto.
Sabi niya kay Korina, “Actually, wala naman akong plano ma-in love. Ito, tumawag si Sharon Cuneta, ‘Zheng, are you open to dating?’
“Sabi ko, kasi two years na rin nun, sabi ko, ‘Yeah, I thought about it.' And advice sa akin ni Kris Aquino, tanggalin ko yung mga gamit para daw to, you know, invite somebody else, in my life.”
Ang tinutukoy na "mga gamit" ni Zsa Zsa ay ang mga gamit ng namayapa niyang longtime partner na si Dolphy, na nakarelasyon ng Divine Diva sa loob ng 23 taon.
Binawian ng buhay ang Comedy King noong 2012.
Read: Comedy King Dolphy dead at 83
Pagpapatuloy niya, “So, nag-umpisa na akong mag-storage kasi ang dami.
"Yung attic namin, andun pa lahat ng damit niya [Dolphy], mga gamit niya, unti-unti na akong nagligpit.
"And true enough, he [Conrad] came. So, sabi ko, ‘Yes, I wanna give it a try,’ and I did.”
Muntik pa raw mapurnada ang blind date dahil nasira pa ang isang ngipin ni Zsa Zsa kaya pinag-isipan niyang umatras.
Pero napagdesisyunan niyang ituloy at hindi na lang masyadong ngumiti.
Saad niya: “No sparks, none. Parang, ‘Yeah, he can be my friend, He was funny, he was nice.’
"And madali sa loob naman.
"And so we parted ways. Later on, sinabi sa akin ni Condrad, ‘Why you didn’t look back?’ ‘Why would I look back?’ Wala nga sparks, e.”
Kinuwento pa nga raw niya ito kay Sharon.
“I even told Sharon. Sabi niya, ‘How was it?’ Sabi ko, ‘No sparks, e.’
"Sabi niya, ‘O, ganun ba, Zheng?’
"And what happened next, we gave it a try, and dun na, we clicked. I really gave him a hard time pala.”
"MATURE KIND OF LOVE"
Nitong nakaraang March 3, ipinagdiwang nina Zsa Zsa at Conrad ang kanilang ika-siyam na anibersaryo bilang magkarelasyon.
View this post on Instagram
Paano nila napanatili ang pagmamahalan sa loob ng siyam na taon?
Ayon kay Zsa Zsa, ibang klase ang kanilang relasyon dahil hindi naman na sila mga bata.
“Kasi yung sa amin nga, I’ll tell people, ‘It’s a mature kind of love already.’
“He’s nine years my senior also. So, parang sabi ko na hindi na kami yung pa-tweetums na, ‘I’m so in love… I’m just like waiting…’
"Ako, I’m gone past that already.
“I was the one with the rules pa. Sabi ko, ‘Conrad, pag nasa taping ako, shooting, walang tawagan ha. It means I’m working.’
“Ako pa nagsi-set ng rules na ganun. ‘Okay, I’ll call you 12 noon, I’ll call you 7 p.m.,’ yun na yun. ‘And then Im going home.’ We have to keep that distance.”
Sa ngayon, ayaw na raw ni Zsa Zsa ng mga materyal na bagay. Ang nais na lamang niya ay gumawa ng memories nila ni Conrad kaya madalas silang nagta-travel.
Noong 2015 ay na-engage na ang dalawa, pero hindi pa rin malinaw kung ikinasal o magpapakasal pa ba sila.
Read: Zsa Zsa Padilla engaged to architect boyfriend Conrad Onglao
