PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

JoWaPao on TVJ Move: Loyalty vs. Respect

Wally: "Hindi mapapantayan ng kahit na anong halaga ang loyalty namin sa TVJ."
by Rose Garcia
Published Jun 22, 2023
JoWaPao on TAPE Inc.'s offer for them to stay in Eat Bulaga!
Wally Bayola on decision to join TVJ in transferring to TV5: "Katulad din nga ng sinabi ni Jose, hindi rin mapapantayan ng kahit na anong halaga po ang loyalty namin sa TVJ." Photo shows (L-R) Wally, Paolo Ballesteros, and Jose Manalo.
PHOTO/S: Screengrab from TVJ Facebook

Ang JoWaPao na kinabibilangan nina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros ay sinasabing inalok ng Television and Production Exponents (TAPE) Inc. na maiwan sa Eat Bulaga!.

Read: Jose Manalo on JoWaPao succeeding Tito, Vic, and Joey: "Hindi pa namin kayang tumayo na wala silang tatlo."

Meron din namang balita na sina Jose at Wally lang ang inalok na maging mainstay, kasama raw si Allan K.

Ito ang usap-usapan mula nang maisapubliko ang tungkol sa general assembly ng lahat ng staff at hosts ng Eat Bulaga! noong February 28, 2023.

Kung nagkataon, hindi malayong sila ang naging “banner” hosts ng revamped noontime show sa GMA-7 kung pumayag sila.

Pero lahat silang original Dabarkads ay sumama sa TVJ — ang triumvirate nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon — sa pagtiwalag sa TAPE.

Sama-sama rin sila sa bagong noontime show na binubuo ng TVJ at eere sa TV5 simula sa July 1.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa loyalty sa kanilang samahan, ano ang driving force nila para sumama sa TVJ sa kabila ng alok sa kanila ng mga Jalosjos, ang mga namamahala sa TAPE?

Ito ang tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ginanap na mediacon ng TVJ with Legit Dabarkads sa TV5 noong June 20.

Si Jose ang unang nagkumpirma ng usapan tungkol sa offer ng TAPE.

"Una kasi niyan, ang unang iniiwan, JoWaMao—Jose, Wally, Mamao,” natawang biro ni Jose, na ang tinutukoy na Mamao ay si Allan K.

Binawi rin ni Jose at sinabing JoWaWow as in "Wow, ganda!" raw ni Allan K.

Sabay seryosong patuloy ni Jose, "Hindi po, kagaya nga po ng sinabi ko, parang hindi mo puwedeng palitan or hindi mo puwedeng mabili ng kahit anong pera, kahit gaano kalaking halaga, ang utang na loob or respeto na tinatawag natin."

“Meron ngang nagsasabi, mabubuhay ka ba dun sa prinsipyo mo? Oo, e... Yon ang gusto namin.

"Kapag may prinsipyo ka, ibig sabihin, yung pagtanaw mo ng utang na loob, dire-diretso yan. Yung blessing na darating sa yo, mas maganda.

"Kesa unahin mo ang pera, sandali, ubos. Pero yung prinsipyo, dala-dala mo yan kahit natutulog ka."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kaya raw pinili ni Jose ang TVJ kesaTAPE.

“At yung ipinakita po sa amin ng TVJ at ng Eat Bulaga!, ginawa kami na kahit saan kami nanggaling, tinuruan nila kaming humawak ng kutsara’t tinidor. Yun po ang mga natutuhan, kung paano sumubo, ngumuya."

Biro pa niya, “Mukha lang po ang hindi maayos talaga, mahirap.

“Pero yung utang na loob po talaga, hindi na po namin puwedeng talikuran ang mga ganong bagay.”

Ganoon din ang mensahe ni Wally.

Hindi raw kayang pantayan ng kahit na ano ang loyalty na meron siya para sa TVJ.

"Katulad din nga ng sinabi ni Jose, hindi rin mapapantayan ng kahit na anong halaga po ang loyalty namin sa TVJ," lahad ni Wally.

"At sabi nga namin, hindi naman tayo mayaman, pero kailangan natin ng desisyon na kung ano man.

"Basta ako, nasa puso ko, susunod ako sa TVJ. At ang loyalty ko, nasa TVJ."

Sang-ayon din si Paolo sa usapang loyalty.

"Loyalty, yes," sabi ni Paolo, na mahigit dalawang dekada nang Dabarkads.

Patuloy ni Paolo, "Kasi, well for me, ha, pumasok ako sa Eat Bulaga!, tapos pikit-mata nila akong tinanggap. Hindi naman nila ako kilala. Hindi naman nila alam kung ano ba ang kaya kong gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero ngayon, almost 22 years na ako sa Eat Bulaga!. So, walang kuwestiyun-kuwestiyon yon. kumbaga, ginawa naming pagsunod sa kanila, parang it’s basic human instinct.

"Kung saan ang TVJ, doon kami."

WHAT THE JALOSJOS BROTHERS SAID ABOUT THE ISSUE

Ang TAPE Inc, na producer ng Eat Bulaga!, ay pag-aari nina Romy Jalosjos, may 75 percent share, at Tony Tuviera, na may 25 percent share.

Ang mga anak ni Romy na sina Jon, Bullet, at Soraya Jalosjos ay board members ng TAPE. Sa general assembly ng Eat Bulaga! noong February 28 inanunsiyo na magiging aktibo sila bilang bagong management.

Ayon sa eksklusibong panayam ng PEP.ph kay Tito noong April 26, sa pulong na iyon inihayag ni Romy ang mga pagbabagong gusto niyang mangyari sa noontime show, kabilang na ang pagdagdag ng bagong hosts at segments.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph sa magkapatid na Jon at Bullet noong June 3, inamin ni Jon na totoong noong una ay may plano silang magtanggal ng ilang hosts sa show.

Totoong plano rin daw ng management na bigyan ng pagkakataon sina Jose at Wally na mas mag-shine sa show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero hindi raw kasama sa plano na tanggalin ang TVJ, kundi bawasan lamang ang araw ng pagpasok ng mga ito.

Nilinaw rin ni Jon na hindi rin naman natupad ang plano ng TAPE na iyon dahil mayroong ongoing negotiation ang TAPE sa TVJ.

Ang status quo daw bago umalis ang TVJ ay walang tatanggalin.

May nakatakda pa raw sanang meeting ang TAPE management kasama si Tony Tuviera noong June 10, pero bago ito nangyari ay umalis na ang TVJ noong May 31.

MORE STORIES ON #EATBULAGAWAR

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wally Bayola on decision to join TVJ in transferring to TV5: "Katulad din nga ng sinabi ni Jose, hindi rin mapapantayan ng kahit na anong halaga po ang loyalty namin sa TVJ." Photo shows (L-R) Wally, Paolo Ballesteros, and Jose Manalo.
PHOTO/S: Screengrab from TVJ Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results