Nabigo si Lars Pacheco na makakuha ng back-to-back na panalo sa Miss International Queen 2023.
Umabot si Lars sa Top 6, pero hindi na siya pinalad na makapasok sa Top 3.
Ang pumasok sa Top 3 ay ang mga kandidata mula The Netherlands, USA, at Singapore.
Marami ang umasang maipapanalo ni Lars ang kumpetisyon dahil maganda ang naging kasagutan niya sa Question and Answer portion.
Ang kandidata ng The Netherlands na si Solange Dekker ang kinoronahang Miss International Queen 2023, isang international beauty pageant para sa transgender women.
Second runner-up naman si Miss USA at first runner-up si Miss Singapore.
Ginanap ang grand finals ng pageant sa Tiffany’s Show, Pattaya, Thailand, ngayong gabi ng June 24, 2023.
Isa si Lars sa mga strong contenders para sa Miss International Queen 2023 title, at marami ang umasa na magkaroon ng back-to-back win ang Pilipinas dahil Pilipino ang reigning titleholder—si Fuschia Anne Ravena.
READ Philippine bet Fuschia Anne Ravena crowned Miss International Queen 2022
Bukod sa kapwa Pilipino ang outgoing Miss International Queen, dalawa sa pageant mentors—sina Miss International Queen 2012 Kevin Balot at Miss International Queen 2015 Trixie Maristela—ay kababayan rin.
READ Lars Pacheco, pinupuri dahil sa kanyang interviews at sagot sa Q&A
Si Lars ay itinanghal na Miss International Queen Philippines 2023 sa Aliw Theater, Pasay City noong March 11, 2023.
READ Lars Pacheco wins Miss International Queen Philippines 2023
