Pormal nang sinampahan ng reklamong physical injuries si Awra Briguela kaugnay ng pagkakasangkot nito sa isang rambulan sa harap ng The Bolthole Bar sa Poblacion, Makati City, nitong Huwebes ng madaling-araw, June 29, 2023.
Naglabas na rin ang Makati City Police ng mugshot ni Awra.
Read: Awra Briguela, pinosasan matapos masangkot sa rambulan sa Makati
Samantala, sa pamamagitan ng social media, ipinagtanggol si Awra ng kanyang mga kaibigang content creators.
Ayon sa mga ito, ipinagtanggol lamang nito ang isang kaibigang babae na hinipuan umano ng mga nakaengkuwentro nilang mga kalalakihan sa bar na nauwi sa rambulan.
Pahayag ng sikat na vlogger na si Zeinab Harake, “Having awra sa buhay ng mga kaibigan nya is a win grabe tong batang to sa sobrang pag mamahal nya magagawa nya yung mga bagay na hindi mo aasahan maparamdam lang nya sayong anjan sya sa hirap o ginhawa. kaya andito den kaming mga totoong ipag lalaban ka walang iwanan sa ere ayun ang tunay na kaibigan!”
Handa raw talagang makipag-away si Awra para sa mga kaibigan nito.
Sabi ni Yna Magenda, “Hipuan nyo ba naman mga kaibigan ni awra tapos mag eexpect kayo na hindi kayo papatulan? Pag si awra kinanti nyo tahimik lang yan pero pag mga kaibigan nya pinatripan nyo talagang di kayo sasantuhin nyan!”
Ayon naman kay Jahan Keeve Visperas, na kabilang sa team ni Zeinab Harake, isang tunay na kaibigan si Awra. Pero ang malungkot, bigla na lang daw nawala ang babaeng ipinagtanggol nito.
Lahad ni Jahan sa Facebook post (published as is), “Just to make this short, one thing lang ang ipag lalaban namin, Awra Briguela is a True Friend, regardless kung sino ka ipag tatanggol ka niyan. It’s just maling tao lang ang pinag tanggol niya dahil nung nag ka gulo na, nawala na yung babaeng pinagtanggol and naiwan sya mag isa.
'"Hindi lahat ng mga nakakasama mo dapat mong ipag tanggol, dahil karamihan anjan lang kapag puro saya'."
“P.S para dun sa babaeng pinag tanggol ni awra na nawala bigla, sana masaya ka.
Sabi naman ng transgender YouTuber na si Melissa Enriquez, “Kung magkakalat kayonng chismis kay @AwraBriguelaaa paki kalat na din tubb reason kung baket sya nakipag away. BINASTOS ANG KAIBIGAN NYA SA GIMIKAN”
Mensahe ni Lantis Espiritu, “AWRA BRIGUELA IS A RIDE-OR-DIE KIND OF FRIEND SINCE DAY ONE!! SHE DOESN'T DESERVE ANY OF THIS.”
